MNOL 30

34 4 2
                                    

Ian's POV

Maaga akong gumising kaya naisipan kong tawagan muna si Alli. Tinamad akong magtype eh.

"Yanyan ko?" sabi niya.

"Hello, Alli ko." sabi ko sa kanya.

"Ba't ka tumawag? Pwede namang chat lang HAHA."

"Nag-one month na tayo eh. Dapat mag-upgrade."

"Wow naman, Yanyan ko. San mo nakuha yan? HAHAHA!"

"Sa akin lang. Sa akin ka lang."

"Tae u! HAHAHAHA! Yanyan ko, aalis na kami. Bye po! Chat lang ako kapag may dalang wifi si Nicole."

"Ay sige po, Alli ko."

"Yanyan! Abangan mo gift ko ha!"

"Luh? San b--"

"Bye. Wuv you!" sabi niya at in-end na ang tawag. Luh?

Nag-ayos na ako at umuwi sa bahay namin. Di pa nakaligo si Ate Trish, siya talaga lagi ang dahilan kung bakit late kami sa mass eh!

"Ma, andyan na po ba si bunso?" sigaw niya mula sa taas.

"I'm here!" sigaw ko.

"May pina--"

"Mamaya na yan. Bilisan niyo na, baka malate tayo." sigaw ni Papa kaya di nalang ako nagsalita.

Maya-maya ay lumabas na si ate sa kwarto niya at pumunta na kami sa simbahan. As usual, pagkatapos ng simba ay pupunta kami sa isang restaurant para kumain.

"Baby bunso, pinapabigay sayo ng kaibigan ko oh. Wait lang." sabi ni ate at may kinuha sa bag niya. Isang box? Ano naman 'to?

"Sinong friend?"

"Basta. Tinanggap ko nalang kasi nagmadali siyang umalis eh, no choice. Alangan naman iwan ko lang doon?"

"Wow. Buksan mo nga, bunso." sabi ni mama.

"Oo nga! Baka chocolates yan, bunso. Bigyan mo ko!" sabi naman ni kuya.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang box at sinilip kung ano ang laman nito.

"Bagal naman. Oh, ano? Pagkain ba?" sabi ni kuya.

"Nah, it's a necklace." sabi ko nang mabuksan ang box.

"Necklace? Patingin nga!" sabi ni ate sabay kuha sa necklace.

"Hmm, couple necklace 'to ah! I did not know na may gusto pala sayo yung friend ko." sabi niya.

"Uy, may letter! Ako magbabasa!" sabi ni kuya at kinuha ang box sakin.

"Happy..." sabi ni kuya at humarap sakin na nakataas ang isang kilay.

"Happy birthday? Di mo naman birthday bunso ah?" sabi ni mama. Oo nga, malayo pa naman ang birthday ko. Wrong info ata nakuha ng friend ni ate.

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon