MNOL 43

10 1 4
                                    

Ian's POV

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil sa nalaman ko. Gusto kong tumawa na umiyak. Grabe, tangang tanga ako sa sarili ko. Imagine isang buwan akong nagtiis na hindi makita si Alli tapos malalaman ko lang na magkatabi lang pala ang bahay naming dalawa? God, this is what I get for always staying inside of my house. Ni hindi ko kilala mga kapitbahay ko at malamang ay hindi rin nila ako kilala. Hindi nga alam ni Alli na magkapitbahay lang kami, yung iba pa kaya?

"Yanyan!" rinig kong sigaw ni Alli.

"Hmm?"

Paano ko kaya sasabihin kay Alli? Siguro kanila Mama nalang ako uuwi ngayon para di niya muna malaman? Ah, tinatamad akooo. Pero ano kaya magiging reaction ni Alli pag nalaman niya ang totoo? Hmm sige dito nalang ako sa bahay uuwi. Titignan ko anong magiging reaction niya.

"Ingat sa byahe ha." sabi niya. Napasmile naman ako. Anong byahe? Iikot lang naman ako at papasok na sa bahay.

Nag u-turn na ako at nagwave muna kay Alli. Tae gusto kong tumawa. Kala mo naman ang layo ng uuwian ko diba? Pagkatapos kong magwave ay lumiko na ako sa harap ng gate. Nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Alli. Hahaha ansaya siguro kung my video to. Sayang nalowbat na phone ko.

Bumaba na ako para buksan ang gate nang biglang tumakbo si Alli papunta sa akin.

"Huy, san ka pupunta? Akala ko ba uuwi ka na? Hmm, siguro miss mo na agad ako no? Kaya di ka makaalis?" sabi niya. Nako, mahangin na naman po ang Alli ko.

"Alli ko, tama po kayo sa part na miss na agad kita kasi lagi naman po talaga kitang namimiss." sabi ko sabay pisil sa mga pisngi niya.

"Aray ko naman. So ano nga? Ba't ka bumaba?" sabi niya. Tinignan niya naman ang kotse kong nakaharap sa gate ng bahay.

"Tsaka ba't nakaharap kotse mo? Nahilo ka ba kaya namali ka ng liko? Nako, anong nangyari sayo?"

"Wala naman po. Okay lang ako syempre kasama kita eh."

"Nako nambobola ka pa. Sige na, umuwi ka na at baka magabihan ka pa."

"Uuwi na nga dapat ako eh pero pinigilan mo ko."

"Pinigilan ka dyan? Wala kaya akong ginawa. Ikaw ang lumiko sa bahay na 'to kaya nagtaka ako."

Ang slow naman ng Alli ko.

"Kaya nga po." sabi ko nalang.

"Anong ka--?"

Ayan na,  nagets niya na ata. Ansarap talaga videohan ng moment na 'to HAHAHAHAHA

"Wait. WAIT, WAIT, WAIT." sigaw niya habang nagloloading pa ata.  Ang cute niya naman mag-isip!

"Don't t-tell m--me?" dahan-dahan niyang sabi. Ayan,  nagsink in na ata.

"Diba sabi ko sayo malalaman mo rin sa susunod? Ito na yun, Alli ko. Welcome to my house." sabi ko sabay turo sa bahay ko.

Ngingiti pa sana ako nang bigla niya akong hinampas.  Aba!

"Uy! A-Aray! Alli ko, masakit!"

"Walang hiya ka! Matagal na kitang gusto tas malalaman ko lang na magkatabi lang pala bahay natin? Tae you!" sabi niya habang hinahampas parin ako

"Ihh, ngayon ko lang rin naman nalaman Alli. I mean alam kong taga Howard ka pero di ko alam na magkapitbahay lang pala tayo." sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Sorry na baby ko. Sasabihin ko naman dapat sayo dati eh. Yung nasira phone mo? Kaso di mo nasabi yung address." sabi ko ulit

"Sinabi ko naman yung kulay ng bahay namin ah!"

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon