MNOL 4

86 13 4
                                    

Ian's POV

Nagising ako nang makarinig ako ng tunog na para bang may nahulog.
Bumangon ako para tignan ito. It was my phone.

Kinuha ko ang cellphone tsaka in-on. Kaya pala nahulog, hindi ko pala naoff ang wifi kagabi. Ibig sabihin, kagabi pa nagvavibrate to.

"dyolli sent you a message."

Pinindot ko ang notification at dumiretso ito sa convo namin ni Alliyah.

Yanyan, post naman diyan.

Goodmorning. Just woke up.

Kakapost ko lang ah? Kulang pa ba yon?

Goodmorning, Yanyan ko!

Kahit isang picture lang naman. Hehe .

Magrereply pa sana ako nang biglang naoff yung phone. Shux, lowbatt na pala yon?

Kumuha ako ng charger at chinarge ang phone. Nang matapos akong mag-ayos  ay inunplug ko ang phone at bumyahe na. Pagkadating ko naman sa school ay nakita ko agad sila Karl kaya lumapit ako sa kanila.


"Hi guys!" bati ni Almira na nasa likod ko lang pala kanina.

"Goodmorning, babe." bati naman ni Karl sabay kiss sa cheeks.

"Hmm, 10 mins nalang before time. Di pa tayo papasok?" Tanong niya. Nasa may hallway palang kasi kami. Nakaupo lang sa isang bench.

Napansin ko namang may kinuha si Almira sa bag niya at isa itong pocket wifi.

"Al, pwedeng makiconnect dyan sa wifi mo?" tanong ko sakanya.

"Syempre naman! exogwapo yung password. Small letter lahat tapos walang space."

"Eh? Bakit, di ba ako gwapo? Palitan mo nalang yan ng karlgwapo." singit naman ni Karl

"Mas gwapo sila, babe. Pero sayo parin naman ako ah. Promise." sabi niya na medyo natatawa.

Familiar 'tong word na EXO ah. Saan ko ba nakita?

"Ano ba yung EXO?" tanong ko kay Almira

"Di mo alam? KPOP group yun noh! Halika na nga kayo. Five minutes nalang." Sabi niya tas nauna nang maglakad. Nagpaalam naman sila Andrew kasi sa kabila yung building nila.

Kaya pala familiar ang EXO. Kpop group pala, yun yung always kong nakikita sa retweets, tweets and shared posts ni Alliyah sa Facebook. Tapos yung grupo ni Kyungsoo ba yun? Aba ewan ko basta yung owl!

My Number One Liker [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon