24- Province

3.7K 97 3
                                    

Nagising ako sa mahinang tapik sa mukha ko. Pagmulat ko ng mata ko tumambad saakin ang napaka gwapong mukha ni Luther.

"Nandito na tayo"

Umiwas ako ng tingin at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Matataas na puno at mga talahib ang nakikita ko. Mga lumang bahay.

"Nasaan tayo?" Tanong ko sakanya habang naka tanaw sa labas.

Malilim lahat ng bahay dahil sa  puno na naka palibot. Iilan lang ang bahay na nakatayo at ang mga tao.

"Potrero Bacolor Pampanga" Sagot nya bago sya lumabas ng sasakyan.

Nanatili ako sa loob, kung di pa nya kinatok ang bintana ng kotse ay di pa ako lalabas.

"San tayo titira dito?" Medyo naiiritang tanong ko.

Malay ko ba kasi kung saan nya ako dadalhin. Medyo mag didilim na kaya natatakot ako sa maaaring mangyari saamin dito.

"May bahay si mama dito" Maikling tugon nya.

Sumunod lang ako sakanya, tinakpan ko ang ilong ko dahil sa alikabok na nang gagaling sa lupa.

Pinagmasdan ko ng mabuti ang bawat bahay na madadaanan namin. May iilang tao ang tumitingin saamin na para bang ngayon lang nakakita ng tao.

Tumigil kami sa harap ng isang lumang bahay. Inikot ko ang tingin ko, sa harapan nang bahay kung saan kami tumigil ay isang pampublikong paaralan para sa mga nasa Isa hanggang anim na grado.

Ang tabing bahay naman nito ay dalawang palapag ang taas. Tulad ng iba napapalibutan ito ng nga puno kagaya ng mangga bayabas at santol.

May simbahan din di kalayuan sa bahay na tinutukoy ni Luther.

"Pasok na tayo. Mahamog na sa labas"

Napa tango nalang ako bago pumasok.

Pag pasok ko tumambad saakin ang simpleng bahay. Sa sala ay may dalawang upuan at mesa na gawa sa kawayan. May isang maliit na tv at dalawang kwarto na ang pinto ay tanging kurtina lamang. Ang mga binta ay kawayan din ang ginamit.

Sa may likod naman ay isang simpleng kusina.

"Dito ba tumira dati ang mama mo?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay.

"Yes. Sa lolo ko ito na tatay ng mama ko"

"Bakit kokonti lang ata ang nakatira dito?"

Pumasok sya sa isang kwarto "Pumutok noon ang Mt. Pinatubo kaya halos lahat ng tao ay lumikas. Iilan lang ang nanatili at nagpatayo ulit ng bahay dito" Mahabang linya nya habang nasa loob ng kwarto.

Bakit parang ngayon ko lang ata narinig ang kwentong iyon? Sabagay, kailan kapa ba naging interesado sa mga bagay na bagay? Sigaw ng kabilang parte ng isip ko

Napailing nalang ako

Paglabas nya ng kwarto may bitbit syang ilang piraso ng damit or should I say mga bistida at panloob

Inilapag nya ang bistida sa mesa
Nag init ang pisngi ko dahil sa kulay pink na panty at bra. Damn. Halatang bago pa iyon dahil may tag pa.

"Mag palit ka muna ng damit. Nandoon sa likod ang banyo. Magluluto ako"

Kahit nalilito ako kinuha ko ang damit na inilapag nya sa mesa. Bakit para atang pinag handaan nya ang lahat? Dahil may iilang gamit at mga pagkain dito.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang lahat.

Papasok sana ako ng banyo ng marealize ko na kurtina lang ang nag sisilbing pinto.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon