25- First Night

4K 104 4
                                    

I dedicate this chapter to a friend. @AlienMacbeth
Thankyou so much! :*
--

Hating gabi na ngunit di pa ako dinadalaw ng antok dahil sa ingay na nang gagaling sa labas, ang mga kuliglig na sobrang ingay at ang matigas na papag na hinihigahan ko.

Natatakot ako dahil madilim. Gusto kong puntahan si Luther sa kabilang silid ngunit nahihiya ako dahil sa di ko malamang dahilan.

"Kaya mo yan Queeni. Gusto naman nyang matulog kanina dito dba?" Pangungumbinsi ko sa sarili ko

Napag pasyahan kong puntahan sya sa kwarto. Dahan dahan kong iniangat ang kurtina na nagsisilbing pinto. Mahimbing na ang tulog nito

"Luther" Mahinang tawag ko sabay tapik ng kanyang pisngi.

Pinagmassan ko ang payapa nyang mukha habang natutulog. Di ko mapag kakaila na gwapo si Luther. May mahahabang pilik mata, matangos na ilong pulang labi at pabilog na mukha.

Unti unti nyang dinilat ang kanyang mata. "Why?" Mapupungay ang mata nyang tumingin saakin.

"Naistorbo ba kita? Sorry. Kasi ano. Natatakot ako. Madilim. Okey lang ba kung dun sa kwarto ko kana lang matulog?" Pakiusap ko sakanya.

I heard him chuckle "You're scared?"

Nahihiyang tumango ako sakanya. Lahat naman tayo may kinatatakutan.

"Okay. Lets go"

Tumayo ito sa pagkakahiga nya at hinatak ako papunta sa kabilang kwarto. Binuksan ni Luther ang ilaw

"Sa baba nalang ako matutulog"

Akmang ilalatag nya ang banig ng pigilan ko sya.

"Tabi nalang tayo" mahinang sabi ko

Baka kasi lamigin sya sa sahig. May konsensya pa naman ako kahit papaano! Di ko sya gustong makatabi ah. Medyo malaki naman ang papag kaya alam kong kakasya kami.

Pumwesto ako malapit sa bintana para maka langhap ng sariwang hangin.

"Bakit takot ka sa dilim?" Pambabasag nya sa katahimikan.

Bakit nga ba ako takot sa dilim? Lagi kasi akong kinekwentuhan ni Kuya ng mga nakakatakot.Pati si Kuya Maclein. Lagi nya akong dinadala sa horror train. Sarap hampasin ng walis eh.

"Ayoko sa dilim. Pakiramdam ko di ako makahinga ng maayos. Natatakot ako dahil baka may multo at bigla nalang akong hatakin" natawa ako dahil sa sagot ko.

Multo? May ganoon ba talaga?

Narinig ko ng pagtawa nya "Ghost? Naniniwala kaba doon? Wag kang matakot Queen. Nandito ako sa tabi mo di ko hahayaan na lapitan ka ng multo"

Hinampas ko sya ng unan dahil tumatawa tawa pa ito habang nagsasalita.

Tinalikuran ko sya "Thankyou Luther. Dahil sayo pansamantala kong nakakalimutan lahat ng problema na iniwan ko."

Ayokong humarap sakanya dahil naiiyak ako. Kaya mas pinili ko nalang na tumalikod

Naramdaman ko ang pagpatong ng kamay nya sa tyan ko. Niyakap nya ako.

"Di mo kailangan mag pasalamat. Ginusto kong ilayo ka sakanila pansamantala. At di ako papayag na ikasal ka kay Third dahil mahal kita"

_-.

Kumurap ako ng tatlong beses para maka sigurado ako sa nakikita ko.

Si luther! Sobrang lapit ng mukha nya saakin at naka yakap sya saakin. Waaaaaaah.

Gusto ko syang itulak palayo pero di ko magawa. Pakiramdam ko gusto ko ang pwesto namin ngayon.

Ipinikit ko ang aking mata at yumakap sakanya.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon