28- His Freakin Mad

3.5K 91 1
                                    

Sabay kaming napalingon ni Luther sa isang magarang sasakyan na tumigil sa harapan ng bahay ni Lola Penyang.

"Sino kaya yun?" Tanong ko kay Luther habang naka tanaw sa magarang sasakyan na pumarada sa harapan

"Malay ko" Tamad na sagot nya.

Sinikmuraan ko ito dahil sa sagot nya. "Wala kang kwentang kausap!" Inis na sambit ko

"Paano ako makaka pag hanap buhay kung lagi mo akong sinasaktan?" Kunwariy nasasaktan na sambit nya.

Inirapan ko lamang ito.

Napunta ang gawi ko doon sa gwapong lalaki na bumaba sa sasakyan. Naka shades ito kaya di ko masyadong nakita ang mukha.

"Baka yan yung anak ni Lola Penyang" bulong ko sa kawalan

Nabigla ako ng hatakin ako ni Luther paharap sakanya. Nasa balkonahe kasi kami at kumakain ng mga pinitas nyang duhat kanina. Inilabas namin ang isang papag sa labas para may hinihigaan kami.

"Wag na wag kang titingin sa ibang lalake Queen" Hindi iyon isang babala. Kundi isang utos.

Tinaasan ko sya ng kilay "Bakit di mo nalang ako bulagin?" Pamimilosopo ko na ikinainis nya lalo.

"Di ako nakiki pag biruan sayo" Pananakot nya saakin na tinawanan ko lang

"Oo na. Umalis ka nga para maka uwi ka ng maaga!" Pagtataboy ko sakanya

Ngayon kasi ang unang araw nya sa bukid nila Lolo Penyong. Kinuha nila si Luther na isang trabahador para kahit papaano ay may ginagawa sya. Noong una ay ayaw kong pumayag dahil wala akong makakasama sa bahay. Pero wala din naman akong magagawa dahil wala kaming kakainin kung di sya magtatrabaho. Ayoko naman lubus lubusin ang kabaitan saamin ng mag asawa.

Kahit papaano ay may hiya pa naman ako.

"Pwedi bang humingi muna ng isang halik?"

Namula ang mukha ko sa sinabi nya kaya mabilis ko syang binato ng duhat.

"Wag ka nga! Dali na umalis kana! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo eh!" Sigaw ko sakanya.

Kunot noo itong tumingin saakin "Oo na aalis na ako. Ganyan ka naman saakin e. Palibhasa di mo ako mahal"

"Tigilan mo nga ako sa kadramahan mo Luther!" Natatawang sambit ko

Tumayo na ako at ginawaran sya ng isang mabilis na halik sa labi. Nabigla ito ngunit mabilis na napalitan ng ngiti.

"Isa pa?" Naka ngising tugon nya.

Sinamaan ko lang ito ng tingin.

"Oo na aalis na. Di ka mabiro. By the way take care okey? Punta kana lang kina Lola Penyang if ever na naiinip ka dyan sa bahay. Iloveyou!"

Ngumiti ako "Opo. Mag iingat ka din Luther. Iloveyou!" Nag init ang pisngi ko kaya tinalikuran ko ito.

"Nahiya pa. Sge na aalis na ako. Isara mo lagi ang pinto" Bilin nya saakin bago sya tuluyang umalis.

Napabuga ako ng hangin dahil mag isa nana man ako sa bahay. Kinuha ko lahat ng gamit na dinumihan namin at inilagay sa lababo.

Hinugasan ko na iyon para may magawa ako kahit papaano.

"Queeni Iha?"

Nagpunas ako ng kamay bago lumabas. Nadatnan ko si Lola Penyang na may kasama.

Yung gwapong lalaki kanina!

Napanganga ako dahil sa kagwapuhan nya. Matangkad ito at mamulamula ang pisngi. Marahil ay hindi sya sanay sa init. Kahit naman ako ah!

Titig na titig din ito saakin kaya umiwas ako ng tingin.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon