Dedicated to eloisealicelatorre
Thankyou sissy! :*
---
"No! Stay there!"
I clinched my fist. I want to climb pero ayaw ni Luther. Sinisigawan pa nya ako. Kapal ng mukha.
"Please baby please?" Pag lalambing ko sakanya.
Gusto kong umakyat ng puno dahil andaming bunga ng puno ng Duhat kina Lola Penyang. Ngunit ayaw ako payagan ni Luther.
Naalala ko tuloy bigla noong hinabol kami at nagtago kami sa taas ng puno.
Pumikit ng mariin si Luther at naka simangot na tumingin saakin "No. And thats final!" Final na sabi nya bago ako iwan dito sa ilalim ng puno.
Nakakaasar! Sya pwede ako hindi? Sya makaka akyat. Ako hindi?! Ang unfair.
"Bahala ka! Kung ayaw mo ako paakyarin. Okey fine! Tapos na tayo!" Sigaw ko na nagpatigil sakanya sa pag akyat.
I dont mean it. Gusto ko lang na payagan nya ako umakyat.
Kunot noo itong tumingin saakin.
"What the hell." Anas nya bago ako lapitan.
"No way. Damn. Why so hardheaded baby? Fine. I will let you climb. But be careful okey? At bawiin mo yang sinasabi mo"
Napangiti ako ng matamis bago humawak sa braso nya "Okey! Thankyou Luther! Kaya mahal kita e"
"Sweet ka lang naman pag may kailangan ka e" Dinig kong bulong nya.
Sinamaan ko ito ng tingin. Naka simangot ito habang nag lalakad kami papunta doon sa puno ng duhat. Para bang labag na labag sa kalooban nya na aakyat ako.
"Sa bubong lang naman ako promise. Di naman sa puno"
Tumango ito.
"Una kana. Dahan dahan okey? Akyat kana sa hagdan and wait me there. Please baby be careful ayokong mawala ka saakin"
Natulala ako saglit dahil parang maiiyak ito habang pinakikiusapan ako. Bigla tuloy akong naguilty. Ganoon ba talaga katigas ang ulo ko?
Parang may kung anong saya akong naramdaman sa puso ko dahil ganoon nya ako iniingatan.
Bumaba ako sa hagdan "Hindi na ako aakyat. Hihintayin nalang kita dito" Naka ngiting pahayag ko sakanya.
He smile. And my heart melt.
"Are you sure?" Paninigurado nya na tinanguan ko lang.
"Okey. Wait me there"
Aakyat na sana nya ng hatakin ko ang kamay nya "Mag iingat ka ah? Dahan dahan sa pag akyat." Paalala ko sakanya.
"Opo" naka ngiting sagot nya.
Pinanood ko lang syang umakyat sa puno. Doon ko napag tanto na si Luther ay isang simpleng tao na aakalain mo na weirdo dahil hindi ito pala ngiti.
Pero sa kabila ng lahat sya ay isang lalaking marunong mag mahal at marunong makuntento kung anong meron sya. Siguro nga swerte ako dahil mahal nya ako.
Di ko alam kung paano oh kailan pero alam ko na mahal ko na sya. At handa akong ipaglaban sya sa lahat.
Nakaka lungkot isipin na kailan ko pang lumayo para matagpuan na tunay na kaligayahan na hinahangad ko noon pa. Isang simpleng pamumuhay kasama ang taong mahal ko.
Namimiss ko na ang mga magulang ko lalong lalo na ang mga kaibigan ko. Minsan gusto ko nang umuwi pero lagi sumasagi sa isipan ko ang pag papakasal na sinasabi nila.
Kaya ko bang iwan ang buhay na nakasanayan ko para kay Luther? Kaya ko bang mabuhay ng ganito?
Pero paano? Paano ang pag aaral at ang pamilya ko?
BINABASA MO ANG
My Creepy Bodyguard
RomanceAre you ready to have a stalker? A handsome stalker who will turn your life upside down. Rhine Luther Waye, a stalker and weird guy. Queeni Lhizhete Guina, a girl who has a stalker and who'll ended up being her body guard. What do you think will ha...
