"Welcome home anak!" Masiglang bati saakin ni Mommy pagdating ko sa bahay. Ginabi na rin kami ng uwi dahil medyo natagalan ako sa hospital. Andami pa kasi nilang tinanong
"Welcome naba talaga ako dito this time?" Pagbibiro ko
Natawa lahat sila dahil sa sinabi ko ginulo ni Kuya Denviel ang buhok ko.
"Afcourse baby lahat nang nandito ay saiyo kaya welcome na welcome ka" Umakbay pa si Kuya saakin
"Kaya nga sakanya na ako eh!" Banat naman ni Third na sinuklian nila ng malulutong na tawa.
Napanguso ako at tamad na naglakad papunta sa taas. Hindi pa kami nakaka pag usap ni Third mula kanina ewan ko bakit pero gusto ko muna syang iwasan sa ngayon. Bigla nalang akong nag dalawang isip kung papakasalan ko ba sya oh hindi.
Damn it. Akala ko ba sigurado kana sa lahat Queeni? Bakit ba bigla nalang nagbago ang isip mo dahil lang sa ginawa ni Luther? Suway ng isip ko
"Hey! Where are you going?" Natatawang tanong saakin ni Third. Umalis na si mommy at daddy dumeretso sila sa Kusina kasama ni Kuya Denviel.
"Gusto kong mag pahinga" pasulot ko. Gusto ko lang mapagisa para mapag isip isip ang lahat.
"I want to talk to you babe. Kanina mo pa ako hindi pinapansin may masakit ba sayo?"
Here we go again. Kumunot ang noo ko at seryosong tumingin sakanya. Kanina pa nila pa ulit ulit na tinatanong iyan.
"Can you just please shut up?" Inis na sambit ko
Unti unting nawala ang ngiti sa labi nya. Bigla nalang akong na konsensya dahil parang maiiyak na ito.
"Look Third im sorry it j--" He cut me off.
"Restwell. Uuwi na ako" Nagsimula na syang naglakad palayo saakin.
Di ko alam kung ano ang gagawin ko kaya minabuti ko nalang na umakyat sa taas at hayaan sya na umuwi.
Oo tanga na kung tanga pero wala ako sa mood na kausapin sya ngayon.
"Saan pupunta yon? Akala ko na dito sya mag didinner?"
"Kuya kasi gusto ko muna mapag isa kaya pinauwi ko na sya" nakayukong sagot ko
Hinawakan ni Kuya Denviel ang ulo ko "Alam ko na may problema ka ngayon pero sa tingin mo na di nasasaktan si Third? Sana hindi mo nalang sya binigyan ng pagkakataon kung di ka rin naman pala sigurado sa nararamdaman mo. Pati di Kelsey naapektuhan dito. Its not just about the 3 of you. Apat kayo dito. Queeni tao lang din naman sila nasasaktan I know how much they loves you. So think about it. Kung sino ba talaga ang gusto mo"
Naiwan akong tulala sa harap ng kwarto ko. Parang kutsilyong bumaon sa dibdib ko ang bawat salita na sinabi ni Kuya Denviel. Tama sya hindi dapat ako nag padalos dalos sa ginawa kong desisyon dahil marami akong nasasaktang tao.
Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot kong kama ipinikit ko ang mga mata ko sandali para maka pag isip isip.
Marami nang tao ang naapektuhan dahil sa desisyon na ginawa ko. Di ko alam kung paano ko maiitatama lahat ng pagkakamali na nagawa ko. Dahil sa ayaw at gusto ko may mga taong masasaktan.
Sana maging maayos din ang lahat. Kinuha ko ang cp ko and I dialed Third number. Di nya sinasagot ang mga tawag ko. Paulit ulit kong tinawagan ang number nya pero hindi sya sumasagot.
Natapos na akong maligo at lahat pero di pa rin sya sumasagot.
"Last na to. Pag hindi mo pa sinagot patay ka saakin bukas"
Nakaka ilang ring palang iyon ng biglang may sumagot.
"Hello?" Bungad ko.
"Hello"
BINABASA MO ANG
My Creepy Bodyguard
RomanceAre you ready to have a stalker? A handsome stalker who will turn your life upside down. Rhine Luther Waye, a stalker and weird guy. Queeni Lhizhete Guina, a girl who has a stalker and who'll ended up being her body guard. What do you think will ha...
