34- Proposal

2.9K 78 2
                                    

Tahimik lang kaming nakaupo ni Kelsey sa labas ng room ni Daddy. Pinagmasdan ko lang sya habang naghahanda ng pagkain namin na binili nya sa labas.

Mula ng dumating ako sa manila hindi pa ako kumakain. Di ko maramdaman ang pagkagutom dahil sa pananabik ko kay daddy.

Iniisip ko din si Luther kung ayos lang ba sya doon. Kung kumain na ba sya, galit ba kaya sya saakin. Naiinis ako sa sarili ko dahil si Kelsey ang nasa harapan ko pero si Luther ang laman ng utak ko. Naawa ako kay Kelsey dahil alam kong lagi nalang syang nasasaktan at naiiwan.

"Mabait kang tao Kelsey. Mahalaga ka para saakin kahit minsan napaka yabang mo. Sa tuwing kailangan kita noon lagi kang nandyan para saluhin ako sa gulo. Lagi kang nandyan para sabayan ang trip ko sa buhay. Im so thankful because I met you. All my life I've been a burden to you, I cant even love you the way you love me. Nasaktan kita pero nandyan ka parin para saakin. Kelsey mabait kang tao I know makaka hanap kapa ng mas higit saakin yung taong hindi ka sasaktan at mamahalin ka ng buo at walang pag aalinlangan."

Sinubukan kong hindi maiyak ngunit di ko magawa. Questions are written all over his face.

"Why are you telling me all this?"
Tuwing may lumalabas na salita mula sa bibig nya gusto ko syang yakapin. Dahil masasaktan ko nana man sya

"Kelsey I owe you the half of my life you've been the best friend I ever had but I cant love you back. Im telling you this because I didn't want you to hope too much."

Nabitawan nya ang hawak nyang burger. Then he cried. Unti unting tumutulo sa kanyang pisngi ang luha na kanina nya pa pinipigilan. Hahawakan ko sana sya pero bigla itong tumayo at tumakbo palayo saakin.

All I can do is to watch him walking away from me. Its my fault, wala akong karapatan umiyak at masaktan dahil in the first place kasalanan ko lahat kung bakit sya nasasaktan. But I cant control my emotions nasasaktan din ako dahil nasasaktan lahat ng mga tao na napapalapit saakin.

Nanatili lang ako sa labas ng room ni daddy at tahimik na kumain ng binili ni Kelsey habang umiiyak ako.

"Why are you crying?"

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi. Mangiyak ngiyak akong lumapit kay Mamu at humawak ng mahigpit sa kamay ni Papi na kasalukuyang tahimik sa tabi ni Mamu.

"Mamu" naiiyak na tugon ko habang nakayakap kay mamu.

"Shhh. The last time I saw you your crying then now Im back makikita nana man kitang umiiyak? Such a crybaby Queeni. Hindi kita pinalaki para maging iyakin tandaan mo walang mahina sa lahi natin" pagbibiro ni Mamu saakin

Niyaya akong umupo ni Mamu, nakagitna ako sakanilang dalawa ni Papi.

"Matapang si Axel kahit anong bagay na mahirap para sa iba kaya nyang lagpasan. When you was born your daddy is happy. Hindi sya natutulog lagi lang syang nasa tabi mo. He treat you like a princess lahat ng gusto mo ibinibigay nya dahil he wants the best for you. Kaya alam ko may dahilan ang daddy mo sa ginawa nya. Magiging okey din ang daddy mo okey?" Pagpapagaan ng loob ko ni Papi.

Ngumiti ako at yumakap sakanya. Daddy is strong I know he can survive, malalagpasan nya ang pagsubok na ito. At pag gising nya aalagaan ko sya.

Nagpaalam ako saglit kina Mamu at Papi. Napagpasyahan kong maki pag kita kay Third para sa isang kasunduan. I think we need to talk kung ito lang ang susi sa paghihirap ni Daddy gagawin ko lahat para sakanya kahit kaligayahan ko pa ang kapalit.

Nakipag kita ako sa isang coffee shop malapit sa hospital. Pagpasok ko sa coffee shop nakita ko syang naka upo malapit sa glass wall.

Dahan dahan akong naglakad papunta sakanya.

"Hi" nahihiyang bati ko

"Oh hello. Take your seat"

Tumango ako at umupo sa harapan nya. Wala ni isang nag balak magsalita saaming dalawa nanatili lang akong tahimik dahil hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang lahat.

"Queen/Third" natawa kami parehas dahil mukha kaming kabado.

Ngumiti ako sakanya "Mauna kana" sambit ko

Umiling ito "Ladies first" naka ngiting tugon nya.

Ininom ko ang tubig na nasa harapan ko dahil sa kaba.

"Relax baby." Biro nya

Tinignan ko sya ng deretso sa mata. Third Walker. Ang unang lalaking minahal ko ang lalaking bumuo saakin. At ang lalaking sumira sa buhay ko, I was deeply madly inlove with him kontento na ako sa anong meron kami noon. Pero hindi ko akalain na magiging ganito ang kahihinatnan ng relasyon namin na pilit kong ipinaglaban noon.

"Why did you leave me?" Namamaos na tanong ko

Ngayon ko lang narealize na masakit parin. Sariwa parin ang sugat na iniwan nya saakin noon ang buong akala ko ay nakalimutan ko na iyon.

Maybe this is the right time para paguspan namin ang past. Dahil hindi habang buhay ay tatakas kami sa sakit ng kahapon.

Tumingala ako para pigilan ang luha na nagbabadyang pumatak. Queeni dont cry please.

Sadness. Guilt. Pain is written all over his face. Hinawakan nya ang nanginginig kong kamay na nakapatong sa mesa. Hinayaan ko lang sya

"My mom wants me to study in Us for me to have a successful future. At first ayoko sumunod sakanya dahil ayokong iwan ka mag isa dito. God knows how I've tried to please mommy. Pero hindi sya pumayag then one day pumunta sya sa condo unit ko tinakot nya ako na sasaktan ka nya kapag hindi ko sya sinunod. Kapag umalis ako at bumalik na matagumpay na ako hahayaan na nya ako. She will let me love you and be with you. So I grab the chance pumunta ako sa Us nag aral ng mabuti at naghanap ng trabaho. Walang araw na hindi kita inisip kung kumakain kaba kung kumusta kana kung namimiss mo ba ako. Kaya pinangako ko sa sarili ko na kapag umuwi ako babalikan kita. I will win you back. Sorry baby kung iniwan kita noon kung nasaktan kita. Kung pwedi ko lang kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo ginawa ko na"

Namumuo ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. Tinitigan ko lang ito, alam ko ang rason nya bakit iniwan nya ako. Nag usap na kami ni Tito clark before sya umuwi. Gusto ko sakanya mismo manggaling na umalis sya hindi dahil sawa na sya saakin kundi dahil nagaral sya.

"Pinatawad na kita"

Nagtataka itong tumingin saakin.
"Really?" Di maka paniwalang tanong nya saakin na sinuklian ko ng isang matamis na ngiti.

Hindi pa naman huli ang lahat saamin. Kaya kong talikuran si Luther para kay Third this is the only way para ma save ang company ni Daddy.

"Lets give our relationship a second chance Queen. Will you let me court you?"

Ngumiti ako sakanya "Yes" walang pag aalinlangan kong sagot.

Nabigla ako ng tumayo sya at tumalon talon

"YES YES YES!" Nagsisigaw ito na para bang nanalo sa lotto.

Siguro nga sobrang bilis ng pangyayari pero ito lang ang nag iisang daan upang maisalba ko ang pinaghirapan ni Daddy. Kahit sa ganitong bagay lang gusto kong bumawi kay daddy sa lahat ng ginawa ko. Natuturuan ang puso sabi ni Mamu alam kong kaya kong ibalik ang nararamdaman ko para kay Third.

"Stop it Third. Nakakahiya" suway ko sakanya.

Tumigil ito at lumapit saakin. Niyakap nya ako yung yakap na puno ng pananabik.

"You dont know how happy I am Queeni. Damn it baby I miss hugging you"

Hinayaan ko lang syang yakapin ako. Wala akong nagawa kundi ang yakapin sya pabalik. Gusto kong umiyak hindi dahil sa tuwa kundi dahil nasasaktan ako dahil hindi ito ang gusto ko pero kailangan kong panindigan at kalimutan si Luther.

Everyone deserve a second chance.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon