SC: Going home broken

3.7K 85 4
                                    

Isinara ko ang pinto ng kwarto pinalabas ko si Luther. Sarado ang isipan ko sa mga sasabihin nya.

Di ko kayang tumabi sakanya sa pagtulog. Nasasaktan ako

Oo alam ko kasalanan ko ang lahat kung bakit sya umalis. But di naman kailangan na ganon ang gawin nya saakin.

Kung ganito lang din naman ang gagawin nya mabuti pa siguro na maghiwalay nalang kami.

I thought it was a happy ending for us but I was wrong.

I cried my heart out.

This is too much.

-
Inayos ko lahat ng gamit ko, ngayon na ang uwi namin sa pilipinas. Akala ko magiging masaya ang bakasyon namin dito balak ko pa sanang mag stay ng isang linggo.

Paglabas ko nadatnan ko si Luther na nakahiga sa sofa at katulad ko naka bihis na din ito.

Nag iwas ako ng tingin. Di ko kayang maki pag titigan sa lalaking nanakit saakin.

Dumeretso ako sa labas at inilagay sa sasakyan ang maleta ko. Konti lang naman ang gamit na dinala ko

Sumakay ako sa passenger sit. Sumunod naman si Luther inilagay nya din ang gamit nya sa likod ng sasakyan.

Sumakay ito sa harapan. Inilagay ko ang headphone sa magkabilang tenga ko.

Ayokong marinig ang boses nya naiirita ako.

Ayokong makita ang mukha nya naiinis ako.

Buong byahe papunta sa airport tahimik lang ako. Wala isa sa amin ang nagbalak magsalita.

Pagdating namin una na akong bumaba at kinuha ang gamit ko. Di ko na sya hinintay tumuloy na ako sa loob.

Tinawagan ko si mommy sinabihan ko ito na magpadala ng dalawang sasakyan na susundo saamin.

Nabigla pa si mommy dahil ang akala nya ay magtatagal kami dito.

Habang naghihintay kami para sa flight namin nakaramdam ako ng gutom. Di pa pala ako kumakain simula kagabi.

"Here kain ka muna alam ko gutom kana" malambing na sabi nito

Dinaanan ko lang ng tingin ang burger na ibinibigay saakin ni Luther.

Tumayo ako at kinuha ang wallet ko bumili ako ng pagkain ko.

Pagbalik ko nandoon parin si Luther busy sa pagkain ng burger na hawak nya. Di ko sya magawang tignan ng deretso sa mata.

Magkatabi lang kami pero parang ang layo namin sa isa't isa.

Sakto naman pagkatapos kong naubos ang pagkain ko tinawagan na lahat ng passenger na may flight papunta sa pilipinas.

Umupo ako malapit sa bintana, umupo naman sa tabi ko si Luther. Tahimik lang din sya at walang kibo.

Mas okey na ang ganito kesa mag away kami at gumawa pa ng eskandalo dito.

Ipinikit ko ang mga mata ko naramdaman ko naman ang pagsandal ni Luther sa balikat ko. Hinawakan nya din ang kamay ko ng sobrang higpit.

Hinayaan ko lang sya dahil sawang sawa na akong maki pag bangayan sakanya.

Akala nya siguro tulog na ako.

"I was wrong when I hurt you. But did you have to hurt me too. Did you think revenge will make it better"

Gusto kong maiyak dahil sa pagbulong nya sa tenga ko habang kumakanta.

--

Sumalubong saamin ang mainit na panahon sa pilipinas. Yeah, nasa pilipinas na nga ako.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon