40- Forgiveness

3K 80 0
                                    

Naging ako sa hindi pamilyar na lugar. Puti ang ding ding ganun na rin ang paligid. Pumikit ako saglit para alalahanin ang nangyari kanina.

Muntik na akong magahasa ni Mr. Ho buti nalang ay dumating si Luther kung hindi. Di ko alam kung ano ang mangyayari saakin doon.

He will regrets this. Sisiguraduhin ko na pagbabayaran ni Mr. Ho ang ginawa nya saakin. Naiyukom ko ang aking kamao dahil sa inis at puot na nararamdaman ko

"Princess. You're awake!"

Lumapit saakin si daddy kasama ang mga kaibigan ko. Luminga linga ako dahil may gustong makita ang mga mata ko.

"Queeni!" Ngunit nadismaya lang ako dahil si Third ang nakita ko. Queeni si Third ang dapat na hanapin mo hindi si Luther.

"Okey ka lang ba? Kung alam lang namin na ganito ang mangyayari sinamahan na sana kita" puno ng pag aalalang tugon ni Nina

Ngumiti ako ng pilit.

"Damn it tito. He will regret doing this to her papatayin ko ang gagong iyon!" Nanggigigil na sambit ni Third

"I want to break his fckin neck how dare him to do this."

Hinawakan ni daddy ang kamay ko "May masakit ba sayo?"

Kasabay ng pag iling ko ang pagpatak ng luha sa aking mga mata. I cant believe this sa lahat ng tao bakit saakin pa nya gagawin iyon. Wala syang puso

"Are you okey baby? Tell me anong masakit sayo? May gusto kaba? May kailangan? Im so freakin worried babe" Sunod sunod na tanong saakin ni Third

Patuloy lang sa pag agos ang luha sa aking pisngi. Pumikit ako ng mariin para alisin lahat ng masamang alaala sa isipan ko

Kung hindi dumating si Luther malamang ay nagawan na ako ng masama ni Mr. Ho.

"Tito mauna na po kami babalik nalang po ulit kami mamaya" Narinig kong pag papaalam ni Erica kay daddy.

Di ko magawang tumingin sakanila dahil nandidiri ako sa sarili ko. Awang awa ako dahil wala man lang akong nagawa para ipagtangol ang sarili ko.

"Baby" Pangungulit saakin ni Third.

Unti unti kong binuksan ang aking mga mata "Nakakadiri ako"

"No baby dont say that. Gagawin natin ang lahat para pagbayaran nya ang ginawa nya sayo" Puno ng Determinasyon ang tinig nya

"Princess. Wag mo nang isipin iyon makakasama sa iyo. Gusto mo bang mag pahinga muna?"

Tumango ako kay Daddy. Gusto kong mapag isa.

Malungkot ang mga matang ipinukol saakin ni Third bago nila ako iwan mag isa sa kwarto ko.

Luther, Malaki ang pasasalamat ko dahil iniligtas mo ako pero bakit kailangan na ikaw pa ang dumating. Nasasaktan ako dahil sa kabila ng nagawa ko sa iyo di mo magawang talikuran ako.

Galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kitang maging ganyan. Kung kaya ko lang talagang ibalik ang lahat itatama ko.
Hindi ko alam kung may mukha pa ba akong maihaharap sakanya oh di kaya kahit kanino man hiyang hiya ako sa nangyari saakin

Bakit ba ganito ang nangyayari sa buhay ko? Eto na ba ang kabayaran sa lahat ng ginawa noon.

"Queeni" Napabalikwas ako dahil sa pagdating ni Kuya Denviel.

"Kuya" Mahinang sambit ko napayuko ako dahil sa hiya.

"May masakit ba sayo? May kailangan ka ba?"

Napa angat ako ng tingin dahil sa sunod sunod nyang tanong. Tama ba ang pag kaka dinig ko? Nag aalala saakin si Kuya?

"Dont worry baby he will pay for this mabubulok sya sa bilanguan sisiguraduhin ko sayo na mawawala ang lahat sakanya. Kung ako lang ang masusunod di ko na sya hahayaan na masinagan pa ng araw. Sobra akong nag alala nang mabalitaan ko ang nangyari"

Namumuo ang luha sa aking mata hindi dahil naaalala ko ang nangyari saakin kung hindi dahil sa galak. My brother is back

I dont know what to say I shut my mouth for awhile. All I can do is to look at him

"Are you mad baby? Im sorry If I've been a jerk to you. Im really really sorry baby"

Tuloy tuloy sa pag agos ang luha sa aking pisngi. Then I remember something sabi ni Mamu kapag may masamang nangyari may kasunod na magandang balita. Eto na ba iyon?

"Im not mad Kuya Denviel I deserve everything that happend in my life. Im so sorry for being a spoiled brat."

"Dont say sorry Queeni. Stop crying please I dont want to see you like this. Alam mo naman na mahal na mahal kita. Kulang nalang ay paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating ako dito. Dont worry about what happend baby inayos na lahat ni daddy para masampahan ng kaso ang gagong iyon"

File a case. Di ko akalain na hahantong ang lahat sa ganito but he deserve this. Kulang pa ang pagkaka kulong sa kasalanan na ginawa nya saakin.

Ngumiti ako ng pilit "Thankyou Kuya Denviel"

He hug me. Yung yakap na miss na miss ko na. "Dont thank me. I will do everything for my Little baby sister"

"Im not a baby anymore Kuya! I grown up!" I yelled

He just chuckle and pinch my cheeks. "Yeah whatever you say little kiddo! You're still my baby"

I pout my lips "Why are you always treating me like a baby? Even daddy! As far as I know I am a Lady now." Pagdedepensa ko sakanya ngunit sinuklian nya lang iyon ng malulutang na tawa. Kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang sumimangot.

"Queeni"

Sabay kaming napalingon sa boses na nagmula sa pinto. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat

"Mommy"

Tumakbo papalapit saakin si mommy at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko tanda na umiiyak sya ngayon.

"Sobra akong nag alala sa iyo anak. Im so sorry anak sa lahat ng nasabi ko sayo. I should not treat you like that. Im so sorry kung bakit nangyari ang lahat ng ito sayo. Im so sorry anak"

Humiwalay ito sa pagkakayakap saakin. Iyak pa rin sya ng iyak wala akong ibang nagawa kundi ang titigan lang sya.

Bigla akong natawa sa isipan ko dahil kailangan pa palang may mangyaring masama saakin para lang mag kaayos kami.

"I will leave the two of you for awhile. Bye baby."

Ngumiti ako kay Kuya Denviel at kumaway.

Tinignan ko si mommy na kasalukuyang tumatangis sa tabi ko. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung sakali man na may nangyari sayong masama anak"

"Mommy. Stop saying sorry I should be the one. Can we just go home mom? I dont effin like here. Pleaseeee"

Natawa si mommy sa reaksyon ko napanguso ako ng guluhin nya ang buhok ko. "Okey ka na nga siguro."

"Mom. I love you." I said between our hugs.

"I love you even more Anak. We will do everything para mabayaran nya ang ginawa nya."

I just smile and hug her so tight. Gusto ko nang lumabas para makausap si Luther kailangan kong mag pasalamat sakanya.

I owe him my life. Kung di dahil sakanya baka nagahasa na ako ngayon. Damn it. Everytime na sumasagi sa isipan ko iyon para akong mababaliw.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon