29- First Fight

3.4K 91 0
                                    

"Luther! Sandali lang!" I shouted.

Di ako pinansin nito patuloy lang sya sa paglalakad nya. Sa sobrang pagmamadali ko di ko namalayan na may bato sa harapan ko kaya ang ending

Nadapa ako. "Ouch" Daing ko dahil sobrang hapdi ng tuhod ko.

Kasalanan lahat ni Carlo ito. Bakit ba kasi kinausap at pumunta pa ako sakanila. Galit tuloy saakin si Luther

Iika ika akong dumating sa bahay. Walang bakas ni Luther sa sala malamang ay nasa kwarto sya. Kahit nahihirapan akong maglakad dahil sa gasgas sa tuhod ko pinilit ko pa rin. Kailangan kong makausap si Luther, mali ang nakita nya.

"Luther. Alam kong nandyan ka kausapin mo naman ako." I beg.

Di nya ako sinagot, nanatili lang itong walang kibo. Sumilip ako ng kaunti sa naka higa ito at talikod saakin

Dahan dahan akong pumasok at umupo sa papag. "Baby im sorry. Mali yung nakita mo okey? Naapakan ko kasi yung bote kaya bumagsak ako sa sofa. Wala nam---"

He cut me off "You dont need to explain. Ano ba ako sayo? Wala naman di ba? Isa lang akong simpleng body guard mo na nag fefeeling boyfriend sayo." I can feel it, puno ng hinanakit ang bawat salitang binibitawan nya.

Napapikit ako ng mariin, nag init ang sulok ng mata ko.

"Dont say that Luther. You are my boyfriend" Madiin kong saad

Nanatili itong nakatalikod saakin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang titigan ang likod nya. Madumi at pawis na pawis ang kulay dilaw nyang damit.

"Magpalit ka muna ng damit baka matuyuan ka ng pawis. Ako na ang magluluto. Kumain kana ba ng tanghalian mo?" Sunod sunod kong tanong sakanya pero wala man lang akong nakuha kahit isang sagot.

Tumayo ako at lumabas para makuha sya ng damit sa cabinet sa kabilang kwarto. Kumuha ako ng isang puting kamiseta at goodmorning towel.

Pagbalik ko nakaupo na ito. Nasasaktan ako dahil ayaw nyang tumingin saakin. Nakayuko ito habang naka yukom ang kanyang mga kamao.

"Heto kinuha na kita ng damit. Change your clothes." Binitawan ko ang damit sa papag at umupo sa harapan nya.

Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa kamay nya at hinawakan ko iyon ng mahigpit. Unti unti kong inalis ang nakayukom nyang kamao.

"Its not what you think baby. I dont like him, never. Ikaw ang mahal ko kaya wala kang dapat ika selos okey? Kausapin mo na ako oh. Di ako sanay na ganyan ka nasasaktan ako and about what you've said earlier you're not only my bodyguard. You are my boyfriend soon to be husband so please stop saying stupid words."

Konting konti nalang ay maiiyak na ako dahil sa nangyayari. Ngayon pa lang kasi kami nag katampuhan ng ganito. Di ako sanay na galit sya saakin

Tumayo na ako at ngumiti ng pilit kahit di nya ako pinapansin "Maghahanda lang ako ng kakainin mo magbihis kana baka magkasakit ka. Sorry. I love you more than the most my better half"

Humakbang ako patalikod. Kahit wala akong nakuhang sagot okey lang. Kahit masakit. Ngayon ko lang narealize na sobrang sakit pala ma reject. Yung tipong di ka kakausapin.

Lumabas ako sa kwarto nya na puno ng hinanakit. Di man lang nya ako kakausapin? Ganon ganon nalang sya kabilis magalit? Ayaw nyang makinig sa side ko.

As I said awhile ago. I cook his food wala naman ibang pweding  lutuin sa mga sangkap dito kundi bulanglang na bangus.

Lumabas si Luther sa kanyang kwarto, nagpalit na ito ng damit pero hindi sya sa kusina tumuloy. Sa labas ito pumunta, hinayaan ko lang syang umalis baka kailangan nya ng oras or space para maka pag isip. Diba ganoon naman halos? Pag galit ka kailangan mo ng space para maka pag isip.

Siguro iyon dapat ang ibigay ko sakanya.

I sigh. Kasalukuyan kong naglalagay ng sabaw sa mangkok ng biglang dumating si Luther na may dalang dinurog na dahon ng bayabas. Hinatak nya ako paupo.

Akala ko ay anong gagawin nya namalayan ko nalang na binibigyan nya ng dahon ng bayabas ang sugat sa tuhod ko

"Malinis ba yan?" Tanong ko sakanya.

Tumango lang ito bilang sagot.

"Baby" Mahinang sambit ko. Lulunukin ko na lahat ng kahihiyan sa katawan ko at pride para lang mag kabati kaming dalawa.

"Sorry" Tumingala ako para mapigilan ang nagbabadyang luha sa mata ko. "Hindi ko naman talaga gusto yung nangyari. Nabigla lang ako kaya hindi ko sya natulak palayo saakin walang ibig sabihin iyon. Talk to me please. Ayoko ng ganito hindi ako sanay na galit ka saakin. Dapat ako lang ang marunong magalit okey? Wala kang karapatan kasi ako yung Girlfriend mo. Boyfriend lang kita kaya sumunod ka saakin" Biro ko sakanya kahit sa totoo lang ay nasasaktan ako. Unti unti nang pumapatak ang luha sa aking mga mata kahit anong pigil na gawin ko ay di ko magawa.

I bit my lower lips to control my tears. But its not enough, tuloy tuloy lang ang pagpatak ng luha sa aking pisngi.

"Shhh. Dont cry. Damn it." Frustrated na sabi nito

Pinunasan nya ang pisngi ko gamit ang mainit nyang daliri. Gusto kong tumigil sa pagiyak ngunit di ko magawa patuloy lang iyon sa pag agos.

"Im sorry if I hurt you Luther. I didn't mean to hurt you its just an accident. Believe me please"

Nagkatitigan kami na para bang nag uusap kami gamit ang aming mga mata. Nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasaktan sya.

I throw myself to him. "Wala ka bang tiwala saakin?" Sumbat ko sakanya.

He hug me back. "May tiwala ako sayo. Sa gagong yun wala" Madiin nyang saad

"Im scared to lose you. Natatakot ako na iwan mo ako at ipagpalit sakanya dahil may mas maganda syang buhay kaysa saakin. Paano kung iwan mo ako dahil sakanya? Hindi ko kaya Queen."

I cant utter a word to say. Bigla nalang umurong ang dila ko. He is scared to lose me. Ganoon nya ako kamahal kaya kahit anong bagay ay kaya nyang isakripisyo para saakin.

Lalo kong hinigpitan ang yakap ko sakanya "I love you. I want you I need you. So dont be scared because Im all yours baby. No one can stole me from you I promise that."

"Im sorry if I get mad. Queen promise me hindi kana lalapit sa lalaking iyon"

Humarap ako sakanya at ngumiti "I promise"

Pinahiran nya ang basang pisngi ko at ginawaran ako ng mabilis na halik. Sapat na iyon para masabi ko na mahal na mahal ako ng lalaking to.

"Asan na yung pagkain na niluto mo? Tignan ko nga kung masarap"

I chuckle and stand up "Tara"

Magkahawak kamay kaming pumunta sa kusina. Umupo sya sa tabi ko. Naka hinga ako ng maluwag dahil okey na kami.

"Taste it" I said

Tinikman nya ang niluto ko. Walang kahit anong reaksyon ito sa mukha kaya nag simula na  akong kabahan.

"Hindi ba masarap? Aw sorry" paumanhin ko

Aalisin ko na sana yung plato kaso pinigilan nya ako "Damn baby. Bakit ang sarap sarap?" Natatawang saad nya.

I smile "I thought you dont like it"

"I dont say anything baby. Kahit pakainin mo pa ako ng di masarap basta ikaw ang nagluto kakainin ko. Besides, masarap naman lahat ng pagkain na niluluto mo"

Sobrang nakakataba ng puso ang sinasabi nya. I recieve a thousand compliment pero iba yung sakanya kasi sobrang nakaka galak pakinggan.

"Really? So kahit pakainin kita ng poop kakainin mo?" Biro ko sakanya na ikinasimangot nya.

"Im eating baby. Dont say that dirty words"

Napahalakhak ako dahil sa kaartehan nya. "Maarte kapa saakin!" Mataray kong saad na tinawanan nya lang.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan syang kumakain. Siguro sa ngayon wala na akong mahihiling pa kundi ang isang katulad nya. I know marami pa kaming pagdadaanan but I know we can survive kasi magkasama kaming lalaban sa lahat.

"I love you Luther."

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon