5- Body Guard

6.3K 179 0
                                        

PAGKATAPOS kong maligo bumaba ako para kumain. Malamang umuwi na si Rhine. Gabi na rin baka hinatid na sya ni Kuya Denviel.

Pagbaba ko nabigla ako dahil nandito parin sya sa bahay at nag hahapunan. Dafudge. Ano pang ginagawa ng lalaking to dito?!

"So. Are we clear now Mr. Waye? Ikaw ang magiging body guard ng anak ko. Wag na wag mo syang hahayaan na masaktan. Understand?"

Nakita kong tumango si Rhine kay daddy. Ano ba tong pinasok ko. Imagine yung dating sunod ng sunod saakin magiging body guard ko? Ano nalang ang sasabihin ng mga kaibigan ko

"Princess. Come here join us"

Inirapan ko si Rhine dahil nakatitig na naman sya saakin. Tamad akong umupo sa tabi ni Kuya Denviel.

"Bat di kapa umuuwi?" I ask him

"Sweetheart don't be rude" Suway ni mommy

Whatever. Imagine I am already 18 years old for pete's sake! I can protect myself. I dont need Rhine nor those bastard. But I think I have no choice.

I sigh. My dad owns many 5star hotel and my mom owns many chocolate factory. I understand them why do they need to do this. Its for our own good sake. Maraming tao ang mag tatangka na saktan kami dahil sa yaman ng daddy at mommy ko.

"Queeni I hope you understand it. I dont want to put your life in danger. So you need to be with Luther everytime you go out. Okay? Promise me. You will not be stubborn"

I rolled my eyes. "Okay dad" Labas sa ilong na sagot ko

Itinuon ko nalang sa pagkain ang atensyon ko hindi na ako nag abala pang magsalita. Wala din naman akong magagawa.

"Denviel will drive you home Luther" Napataas ng ulo ko sa narinig ko

"Dad. Pwedi ba akong sumama?" I pout my lips para effective.

"No Sweetheart. Stay here" Si mommy ang sumagot.

Sumimangot ako ng bonggang bongga at tumingin kay Daddy.

"Okay okay. Let her"

Napangiti ako ng malapad. Hindi ako matitiis ni daddy. Sa ganda kong to. Haha

"But hon--" Pinutol ni daddy ang sinasabi ni mom

"Its okay hon. Kasama naman nya si Denviel"

Napa buntong hininga nalang si mommy. Pag sinabi ni daddy wala ng makaka pigil pa sakanya. Lahat nang gusto ko nakukuha ko. That's why I love my dad so much.

After namin kumain naghugas lang ako ng kamay at tumakbo palabas. Baka kasi iwan ako ni Kuya. Alam ko ang ugali nun -.-

"Kailangan bang sumama kapa talaga?"

Nainis ako sa tanong ni Kuya Denviel kaya kinurot ko sya.

"Aray. Ang sadista mo talaga"

Sumakay na si Kuya Denviel sa sasakyan kaya sumakay na ako sa Shot gun seat. Si Rhine naman ay kanina pa walang kibo sa likod. Hindi kaya bumabaho ang bibig nito? Sobrang dalang magsalita ang weird talaga nya.

Nagtataka lang talaga ako kung bakit sunod sya ng sunod saakin nun. Ano pa ang ibang motibo nya kung hindi naman pala nya ako gusto kaya sinusundan nya ako. Hindi kaya isa din sya sa may balak na masama saakin?

Im thinking about my dad too. How can he trust this man? Ni hindi man lang nya kilala. Nabigla talaga ako dahil hindi nya muna kinilala si Rhine. I know my dad, titignan nya muna ang background ng isang tao bago pagkatiwalaan.

But the hell. Anong meron sa lalaki na to?

Don't tell me kaya nya ako sinusundan dati because dad hire him?

My Creepy BodyguardMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon