SC: Triplets.

4.7K 128 16
                                    

Tulad ng napag usapan namin ni Luther pagkatapos naming kumain ay dumeretso kami sa malapit na hospital.

Habang papunta kami sa hospital di mawala wala yung kaba sa dibdib ko.

What if di naman pala ako buntis? Na kulang lang pala ako sa tulog kaya nahihilo oh naduduwal ako.

At kung buntis naman ako maka kaya ko bang tumayong ina para sa baby ko.

Kung pagiging asawa nga ay hindi ko magawa ng maayos.

Pagiging ina pa kaya.

"Hey. Bakit bigla ka nalang nalungkot?" Kinakabang tanong ni Luther.

Malungkot ang mga matang ipinukol ko sakanya "What if di ko kayaning maging Ina para sa anak ko?"

Itinigil nya ang sasakyan sa harap ng hospital. Hinawakan nya ang pisngi ko.

"Baby. You will be a good mother to our baby. Wag mong sabihin yan." Pag checheer up nya saakin.

Tumango nalang ako.

Habang naglalakad kami papasok. Di ko maiwan ang di kabahan

-

"Congrats! You're 2 weeks pregnants Mrs. Waye! You're carrying triplets!" Bati saakin ng doctor na labis kong ikinatuwa.

Gulat man ay napalingon ako kay Luther. Nanlaki ang mga mata nito at medyo naka awang pa ang bibig.

"Triplets?! My ghad! Totoo ba to doc?" Di maka paniwalang tanong ko.

Nakangiting tumango ang doctor "Yes. Reresetahan kita ng mga vitamins na kailangan mong inumin. Excuse me"

Umalis ang doctor doon palang lumapit saakin si Luther.

"Is this real?" Di maka paniwalang tanong nya.

Marahan akong tumango kahit ako ay hindi makapaniwala. Triplets agad ang anak namin.

"Damn it! Ang galing ko talaga!"

Pinalo ko sa braso si Luther dahil sa sinabi nya.

"Gago talaga to" Inis na tugon ko.

Mabilis naman nya akong niyakap. "Baby akalain mo yun naka shoot agad ako ng tatlo!" Pagmamayabang pa nya.

Natawa nalang ako sa reaksyon nya.

Pagkatapos ibigay ng doctor ang vitamins na kailangan kong inumin. Umuwi na kami ni Luther.

"Gusto ko ng apple" I blurted out.

Tumabi sa sofa saakin si Luther at niyakap ako.

Gumuhit ang mabahong amoy sa ilong ko.

"Alis! Ang baho mo!" Pagtataboy ko sakanya.

Inamoy amoy nya ang sarili nya pagkatapos ay "Hindi naman ah! Ang bango bango ko kaya!" Depensa nya na ikinasimangot ko ng husto.

"ALAM MO PA SAAKIN LUTHER! ALIS NA NGA! IBILI MOKO NG APPLE!"

Gusto kong kumain ng mansanas.

Napakamot ito ng batok "Ilang kilo ba gusto mo?"

"Isang sako! Yung kalahating green at kalating red gusto ko!" Naka ngusong saad ko na ikinalaki ng mata nya.

"Baby wala namang ganun e" Pagrereklamo nya.

Uminit ang ulo ko dahil kanina pa sya nagrereklamo.

"Edi wag na! Uuwi nako saamin! Di na ako papakita sayo! Bwisit"

"Oo na. Sabi ko nga bibili nako. Sandali lang ah baby?"

Di ko sya kinibo. Binuksan ko lang ang TV at nanonood.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon