7- Sorry

4.5K 142 1
                                    

"What kuya?! NO WAY!"

Sinasabi nya na kailangan ko daw mag sorry kay Luther dahil sa ginawa ko sakanya kanina. There no way in hell I will do that! I love my pride.

"Yes way baby. What do you want? You will apologize to him or daddy will cut your ATM?"

I close my fist. Diyan naman sila magaling eh! Sa panggigipit saakin. I know daddy can do that.

Tinalikuran ko si kuya "OKAY FINE!" Naiinis ako bakit kailangan kong humihingi ng sorry sakanya? In the first place sya ang may kasalanan! Okay I know may kasalanan din ako but I am his boss.

Argh. What the hell. Iniwan nya ba naman ako kanina at nag sumbong kay kuya. Now gusto ni Kuya puntahan ko sya sakanila para humingi ng sorry. Fudge.

Ginamit ko ang sasakyan ko. Pumunta ako sa mall. Kailangan ko ng pang suhol sakanya or kahit man lang sa kapatid nya. Ganito kasi ang ginagawa ko pag may nagawa akong kasalanan sa mga kaibigan ko.

Pumasok ako sa isang stall ng mga damit. Fubu at Penshoppe ang naisip kong puntahan nakakahiya naman sakanya kung ibibili ko lang sya sa ukay ukay. But afcourse I would not do that. I have my own money. I can buy everything I want.

Una akong pumunta sa penshoppe. Pumili ako sa mga plain V-neck tshirt nila. May kulay Gray. Yellow. Blue and Red.

Kinuha ko ang kulay Gray and Blue. I think it fits him. Maputi naman sya. Pumunta na ako sa cashier at binayan ang kinuha ko.

After that naisip ko na pumunta sa Super market for his Mother and two little cute brother and sister.

Kasalukuyan kong pumipili ng chocolate nang may bumangga sa push cart ko.

Nanlilisik ang mata kong tumingin sa lalaking naka shade at cup. The hell.

"Are you blind or just a plain stupid?!"

Wala akong pakealam kahit pinagtitinginan na kami ng mga tao dito,

"Miss look Im sorry okay?"

I take a deep breath. "Whatever!"

Tinalikuran ko na sya. Putsha. Bakit ba sunod sunod ang kamalasan na nangyayari saakin.

Binayaran ko lahat ng pinamili ko. Sana lang madatnan ko si Luther sakanila. Paano ba ako hihingi ng sorry sakanya? Aish.

Bahala na nga.

Bumaba ako sa sasakyan ko at tumuloy kina Luther. Lahat ng tao na madadaanan ko, sobrang sama ng tingin kaya binilisan ko ang paglalakad ko.

Bakit ba ganito sa lugar na to? Ang sikip sikip at ang dumi.

Pawis na pawis ako pagdating ko sa harapan ng bahay nila Luther.

"Tao po!" Sigaw ko

Lumabas sa pintuan ang nanay ni Luther.

"Oh ikaw pala iha."

Ngumiti ako sa mama ni Luther at nag mano. Hindi naman ako bastos na tao.

"Nandyan ho ba si Luther?" Magalang na tanong ko

Binuksan nya ang bakod ng bahay nila "Hala. Wala may binili saglit. Pasok ka muna"

Saan ba pumunta ang lalaking yun? Wag mong sabihin na kailangan ko pa syang hintayin para lang mag sorry.

Pumasok ako sa maliit at medyo masaikip na bahay nila. Nadatnan namin ang mga kapatid ni Luther na nanonood sa maliit na Tv na black and yellow pa.

Bigla nalang akong nalungkot. Ganito ba kahirap ang maging mahirap?

"Hi Dana at Tantan. May dala ako para sainyo"

Tumakbo palapit saakin si Dana
"Talaga ate? Ano po iyon?"

Inabot ko sakanya ang paper bag na may laman na chocolate at mga junk foods.

"Tan tan .." Tawag ko sa kapatid na lalaki ni Luther. Inirapan nya lang ako. Aba! Suplado.

"Pasensya kana sa bahay namin medyo maliit lang kasi. Tan tan tawag ka ni Ate. Naku. Ganyan talaga ang batang yan. Mana sa kuya nyang suplado. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang mga batang yan."

Napangiti ako sa mama nya. Kahit maliit ang bahay nila ramdam ko na masaya dito.

"Ay naku. Okey lang po. Eto po pala. Para sainyo"

Iniabot ko sa mama ni Luther ang isang paper bag na may lamang damit at pagkain.

"Hindi ba nakakahiya?"

Mabilis akong umiling "Naku hindi po"

Bakas sa mukha nila na masaya sila sa simpleng regalo na natanggap nila. Nilapitan ko si tan tan.

"Eto oh. Toys para sayo"

Iniwan ko sa harapan nya ang paper bag na may lamang Laruan. Bumalik ako sa pag kakaupo ko. Nasaan kaya ang tatay ni Luther? Pansin ko kasi na ang mama at mga kapatid nya lang ang nandito.

"Ate Ganda! Salamat po ah?" Ngumiti ako kay Dana

"Walang ano man. Mag tatagal pa ho ba si Luther?" Tanong ko sa mama nya na kasalukuyang nag titimpla ng juice para saakin.

"Pauwi na din yun"

"Ma nandito na po ako"

"Oh anak nandyan kana pala. Kanina kapa hinihintay ng kaibigan mo"

Napalingon ako sa pintuan. Nanlaki ang maliit na mata ni Luther ng magawi saakin ang paningin nya. Bigla nalang akong kinabahan.

"Kuya kuya! Tignan mo oh. Bigay ni Ate Ganda!"

Lumapit sakanya si Dana bitbit ang binigay ko. Nanatili lang ako sa pagkakaupo ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko.

Napayuko lang ako at pinag laruan ang mga daliri ko. Gosh Queeni! Ayusin mo nga ang sarili mo!

"What are you doing here?" Cold na tanong nya.

"Ah an-o. I ca-me here t-o apologize. I-m sorry"

Gusto kong murahin ang sarili ko, bakit ba ako nauutal?

Dinaanan nya lang ako ng tingin. Nilagpasan nya ako at pumunta sa mama nya.

Ano bang problema nito? Eto na nga oh nag sosorry na ako. Tumayo na ako at lumapit sakanya.

"Tita. I need to go. Mag gagabi na po kasi. Hm. Luther this is for you. My sorry gift."

Iniwan ko sa mesa ng paper.

"Aalis kana? Sge mag ingat ka. Rhine ihatid mo na sya"

Mabilis kong ipinilig ang ulo ko "Ay naku. Wag na po. I can manage myself. Sge po una na ako. Bye dana and tantan"

Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling lumabas. Kung ayaw nyang tanggapin ang sorry ko. Okey fine! Its not my fault anymore!

"Lhizhete! Stop"

Tumigil ako sa paglalakad ko at hinarap sya "What?"

"Kala ko ba nandito ka para humingi ng sorry?"

Inirapan ko sya "Oo. Sorry okey? Pwedi na ba akong umuwi?"

Kanina pa ako nangangati sa lugar na to.

"I will drive you home"

"NO THANKS! I CAN MANAGE MYSELF"

Tinalikuran ko na sya. But, nakaka ilang hakbang palang ako nang magsalita sya na ikinagulat ko

"You know what? Okay kana sana. Alam mo kung ano lang ang mali sayo? Yung ugali mo"

Napantig ang tenga ko sa narinig ko. Hinarap ko sya. Akmang sisigawan ko sya nang takpan nya ang bibig ko

"Kailangan mong tanggapin ang pagkakamali mo. Wag kang mag mamataas dahil wala kang mararating kung ganyan ang ugali mo. Sa mahigit apat na taon kong pagsunod sayo ni minsan hindi ko nakita na nag pakumababa ka."

Tagos sa puso lahat ng tinapon nyang salita saakin. Na estatwa lang ako sa kinatatayuan ko ngayon.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon