48- One step to Forever

3.5K 97 4
                                    

Pinagmasdan ko lang si Luther habang namimili ng mga invitations na gagamitin para sa kasal namin. I smiled at the thought na ikakasal na kami

Totoo nga ang kasabihan na kahaba haba man ng prosisyon sa simbahan pa rin ang tuloy.
Sana ay tuloy tuloy na ang masayang bagay na nangyayari saamin ni Luther.

I never imagine na magiging kami pa din sa huli. Ang akala ko noon ay katapusan na ng istorya namin dahil kay Third na ako, na si Third na ang papakasalan ko.

But Im wrong, mabait pa rin saakin ang Diyos dahil sa kabila ng pagkakamali ko nandyan sya para pasayahin ako.

Im so thankful kay Third inspite of everything itinuloy nya parin ang pag memerge ng compay ng mga magulang namin. I think someday makaka hanap din sya ng taong para sakanya.

Kay Kelsey naman alam ko na darating din si The One for him malayo pa ang mararating nya sa buhay. Sikat na sikat ang lokong ngayon pati sa pilipinas. Noong isang araw dinalaw nya ako sa bahay para ipagmayabang ang award na nakuha nya. Tae talaga. Pero masaya ako para sakanya

"Penny of your thoughts?" Pag aagaw ni Luther sa atensyon ko

I smile "Iniisip ko lang kung paano paano kita tatakasan sa kasal natin" Pagbibiro ko

Mabilis na dumapo ang kamay nya sa noo ko. Napapikit ako dahil sa sakit ng pagkakapitik nya.

Naka simangot akong tumingin sakanya "Thats hurt!" Bulyaw ko

Sinamaan nya ako ng tingin "Its more than hurt kapag tinakasan mo ako!" Pasigaw na sagot nya

I just laugh and hug him "Kahit napaka salbahi mo noon kahit napaka maldita mo hinding hindi kita iiwan. Hey lady I sacrifices a lot for this relationship so dont you dare think, running away from me. Understand?! Kahit naman saan ka pumunta susundan kita." Padabot na sagot nya na ikinatawa ko ng husto. Bakit ba ngayon ko lang nalaman na may ganito palang side ang lalaking to?

Pabebe masyado. Hihi

Hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko napayakap lalo ako ng mahigpit sakanya.

"Kung kinakailangan kitang putulan ng paa para hindi makalayo saakin gagawin ko"

Humiwalay ako ng pagkakayakap sakanya at mabilis na dumapo ang kamay ko sa dibdib nya.

"Grabe naman!" Reklamo ko

Kahit sa totoo lang ay kinikilig ako sa sinasabi nya.

Napakamot sya ng batok "I really love you so much baby."

He pout his lips I smiled kinurot ko ang matambok nyang pisngi. "Kahit ikaw ang pinaka weird na tao sa mundo hinding hindi ako lilingon sa iba. Mahal na mahal kita kahit napaka labo mo noon. Pero alam ko naman na matagal ka nang patay na patay saakin kaya nagawa mo na sundan ako kahit saan ako pumunta."

Ngumuso ito at napa kamot ng batok marahil dahil sa hiya. Lalo tuloy akong napa ngiti dahil sa reaksyon nya.

"I love you more than how much you love me Rhine Luther Waye. I promise to stay faithful and to be honest all the time. Thankyou for staying by my side even though Im sadist. I will your hold your hand forever, hold my hand to okey?"

I kiss him, smack lang baka may maka kita saakin akalain pa nila na gumagawa kami ng eksena dito.

Hinawakan nya ang kamay ko pinagsakop nya ang mga daliri namin. Tumingala ako para salubungin ang masayang mukha nya.

"Noon,, sinusundan sundan lang kita. Noon, hanggang tingin lang ako sa malayo ni hindi kita malapitan. Noon, ni hindi ko mahawakan ng ganito kahigpit ang kamay mo. Noon, wala akong lakas ng loob na kausapin. Noon kuntento na ako na makita ka mula sa malayo. Noon, wala akong lakas ng loob na lapitan at kausapin ka. Noon, mahal na kita ngayon mas minamahal pa kita. Hinding hindi ako nagsasawa na kumapit sayo kahit ikaw na mismo ang bumitaw. I will hold this hand till my last breath till the day I die. I love you so much soon to be Mrs. Queeni Lhizhete G. Waye."

Di ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil sa sobrang sobrang pagmamahal na natanggap ko mula kay Luther. So kaya pala nya ako sinusundan noon dahil gusto nya ako.

Wala akong masabi hinigpitan ko lang ang pagkakahawak ko sa kamay nya.

"Kahit na kinalimutan mo ako hinding hindi kita malilimutan"

Nalilito akong tumingin sakanya kailan ko pa sya kinalimutan?

"Look you didn't recognize my voice and face. Tumanda ka lang ng kaunti di mo na ako naaalala. Kung di pa kita sinundan dito sa Maynila." Naka ngusong saad nya

Doon na nagtagpi tagpi ang lahat sa isipan ko. Zhee ang tawag saakin ng matabang lalaki na kalaro ko noon sa probinsya ni mommy.

Lalong nanubig ang mata ko dahil sa saya. Sya ba? Sya ba talaga ang batang lalaki na kalaro ko noon? Yung matabang lalaki na iniwan ko sa probinsya noon?

"Ree?" Mahinang bulong ko

Ginulo nya ang buhok ko "Buti naman naalala mo na! Nakakainis ka ah. Ako kahit isang beses hindi kita nagawang kalimutan pero ikaw tumapak ka lang sa maynila nakalimutan mo na ako" tuloy tuloy na sambit nya. Pinagmasdan ko lang sya at pilit na inaalala ang mukha ng batang kalaro ko noon.

"Ikaw ang matabang lalaki na kalaro ko noon?" Di maka paniwalang tanong ko sakanya.

Kinurot nya ang mukha ko "Macho na ako ngayon! Gusto mo ba hawakan ang abs ko?" Pagmamayabang pa nya.

Himapas ko sya sa bag na dala ko "napaka sama mo! Bakit hindi mo sinabi ito noon pa!"

"Aray! Aray! Tama na" Hinawakan nya ang kamay ko

"Hinayaan ko lang na ikaw mismo ang maka alala saakin pero ano? Di mo man lang ako naalala" pagdadrama pa nito saakin.

Nakonsensya tuloy ako bakit ba napaka manhid ko minsan? Kaya ba mabilis na pinagkatiwalaan ni Daddy si Luther dahil alam na nya sa simula palang na si Luther ang kababata ko noon.

Ang unfair talaga nila lagi nalang nila akong pinahihirapan.

"Why are you telling me all this?"

He smile that makes my heart melt. "You deserve to know everything baby, its been so many months bago ko masabi sayo lahat ng ito. At para din maliwanagan kana alam ko naman yang iniisip mo eh. Na isa akong Kidnaper."

I pout my lips "Kasi naman .." Pagpapalusot ko

He chuckle "Thats okey baby. Kidnaper naman talaga ako eh"

Nanlaki ang mata ko

"Kinidnap ko ang puso ko"

Napanganga na ako ng tuluyan dahil sa sinabi nya.

Ang corny corny promise.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon