49- The most awaited Day

3.6K 109 5
                                    

Every girl dream's is to be with the person who loves them so much.

Lahat ng babae pangarap ang makasal sa kanilang pinaka mamahal. Maglakad papunta sa harapan ng altar. Sumumpa sa harap ng panginoon ng pagmamahalan na walang hanggan. Sumumpa sa harapan ng mga tao na hindi kayo maghihiwalay.

Tumanda na kasama ang kanilang minamahal.

Alagaan ang kanilang anak na magkasama.

Kahit sa hirap man at ginhawa.

Sa kagipitan man oh karangyaan. Wait? Parehas kang yon ah! Hahaha.

May mga iilan din na kahit ikinasal na kahit sumumpa na sa harap ng panginoon nagagawa pa din maghiwalay dahil sa isang dahilan.

But for me, kailangan mong panindigan ang isang bagay na ginawa mo.

Hindi maalis alis ang kaba sa aking dibdib habang papunta kami sa simbahan. This is it.

Totoo na to. Ikakasal na ako kay Luther. Sa loob ng iilang minuto mapapalitan na ang aking apelido.

Lalong nadagdagan ang kaba ko ng tumigil kami sa harapan ng simbahan.

--

Luther POV

"Bro ano ba! Nahihilo na ako sayo ah" Hinampas ako ni Denver sa braso.

Di ako mapakali, para akong maiihi sa kaba dahil hindi pa dumadating si Queeni.

What if she run away? The hell. Mababaliw ako kapag ginagawa nya saakin iyon.

"Hindi ka tatakasan ng kapatid ko" pag papanatag ng loob ko ni Denver.

Ngumiti lang ako ng tipid bago huminga ng malalim.

Yeah. I know she loves me so much. I trust her.

"Nandyan na ang bride!" I heard someone shouted.

Doon na nawala ang kaba ko dahil sa narinig ko.

Pagbukas ng pinto ng simbahan tumambad saakin ang napaka gandang babae.

Nakangiti ito habang nakatingin saakin. Kahit nasa malayo pa sya batid ko na naiiyak na ito.

--

Queeni POV

Pagbukas ng pinto tumambad saakin ang napaka raming tao. Mga kaibigan, kamag anak at iilang business partners ni Daddy.

Ngunit ang tingin ko ay napukaw ng isang lalaking gwapong gwapong nakatayo sa harapan ng altar.

Kahit sa malayo ay nakikita ko itong kinakabahan.

Naiiyak ako dahil sa kabila ng lahat ng nangyari saamin heto kami. Kakasal na.

"You're so beautiful princess" bati saakin ni Daddy.

Humalik ako sakanya at humawak sa braso nya. Pakiramdam ko mahihimatay ako sa kaba.

"Si daddy talaga" naka ngusong sambit ko.

"Im so happy for you anak, Pag pasensyahan mo na si daddy kung muntik ko nang masira ang dream wedding mo ah. I hope he will love you more than the love I gave to you. I love you"

Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadyang pumatak sa aking mata.

"Daddy naman. Mamaya kana magdrama wag mo ako paiyakin" pagbibiro ko

Sa bawat hakbang na ginagawa ko pumapasok sa isipan ko ang masasaya at malulungkot na pinagsamahan namin ni Luther.

Hindi naging madali ang lahat para saamin pero nalagpasan namin ang lahat.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon