26- Wifey

3.9K 109 1
                                    

"Ako na. Kaya ko naman mag pahinga kana lang doon sa loob"

Sinimangutan ko si Luther ng bonggang bongga. Kanina ko pa kasi sya pinipilit na ako na ang mag bobomba ng gripo dito sa labas. Wala kasi akong ibang ginawa kundi ang manuod at humiga sa matigas na papag.

"Okey fine" pagsuko nya

Ngumiti ako ng matamis bago mag umpisa sa pag bobomba. Nag iigib ito ng tubig para sa panligo at pang hugas namin sa plato.

"Di naman pala nakaka pagod eh!" Pag bibida ko sakanya

Kahit nangangawit na ang kamay ko di ko ininda iyon dahil kasama ko si Luther.

Makikita mo na simpleng pamumuhay lang ang naka gawian ng mga tao dito. Sa kabila ng lahat ay alam ko na masaya sila.

"Really? If I know nangangawit na yang kamay mo. Di ka naman sanay sa mga gawaing bahay hindi ba?" Naka ngising saad nya.

I pout my lips "Bakit ba di ako maka ligtas sayo?" Parang batang sumbat ko na tinawanan nya lang.

"Iha. Kayo ba ang bagong nakatira dyan sa bahay ni Lasco?"

Dumating ang kapit bahay naming mag asawa. Tumigil ako sa pag iigib ko at nag mano sakanila.

"Oho." Magalang na sagot ko

Nanatili lang sa tabi ko si Luther. Ngumiti saamin ang matandang babae

"Ako nga pala si Penyang at itong asawa ko ay si Penyong"

Tatawa sana ako ng hatakin ni Luther ang kamay ko. Tinignan nya ako ng masama dahilan para manahimik ako sa isang banda.

"Ako po si Luther at itong magandang babae na nasa tabi ko ay ang aking ..

ASAWA"

Nanlaki ang maliit kong mata dahil sa sinabi nya. Mag poprotesta sana ako ngunit di ko natuloy dahil sobrang galak ang mukha ni Aling Penyang

"Sinasabi ko na nga ba. Kay ganda naman ng asawa mo Iho. Bagay na bagay kayo"

Nag init ang mukha ko. Bagay daw kami. Yieh. Hihi.

"Salamat po" Sagot ko sakanila.

Niyaya namin silang umupo sa maliit na balkonahe namin. May mga puno na naka palibot dito sa bahay kaya di mo mararamdaman ang init. Napaka presko at aliwalas ng paligid. Medyo nasa katandaan na silang dalawa ngunit hindi mo matatago ang kanilang maganda at gwapong mukha.

Kung kami kaya ni Luther ganito din kaya kami pag tumanda kami?

"Gusto mo bang sumama pumitas ng mangga iho?" Tanong si mang Penyong kay luther na mabilis naman nitong tinanguan.

"Wifey. Pag pipitas lang kita ng mangga. Iloveyou"

Humalik ito sa pisngi ko, di ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil parang umurong ang dila ko dahil sa ginagawa nya. Ngumiti lang ako at kumaway sakanya.

Naiwan kaming dalawa ni Aling Penyang.

"Napaka sweet naman ng asawa mo iha" Puri ni Aling Penyang

Pinagmasdan lang namin silang naglalakad papunta sa bakuran nila Aling Penyong.

"Ngayon lang po. Pag kaming dalawa lang wala naman ginagawa yun kundi asarin ako" sumbong ko sakanya.

Napahalakhak si Aling Penyang sa sinabi ko.

"May anak ho ba kayo?" Usisa ko sakanya

Sila ang may ari ang malaking bahay sa kabila.

"Oo. Ang kaso di naman dumadalaw dito ang anak namin" Malungkot na pahayag nya.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon