Its been 2 weeks since the last time I saw Luther. Di ako nagpakita sakanya oh umuwi man sa bahay. Nag stay ako kina mommy.
Alam na lahat nila ang nangyari at ang nanay na mismo ni Luther ang nagsabi na tama ang ginawa ko. Na layuan muna si Luther para matimbang ang nararamdaman ko para sakanya.
Sa loob ng dalawang linggo laging pumupunta si Luther sa bahay pero di ko sya hinaharap. Pinapasabi ko kina mommy na wala ako.
Mahirap oo, pero kailangan ko to para makalimutan ko ang ginawa nya.
At sa mga panahon na wala si Luther sa tabi ko doon ko narealize na namimiss ko na sya. Gusto ko na syang yakapin halikan at patawarin.
Alam ko na nahihirapan na din sya sa nangyayari.
Kaya ngayon araw na to uuwi na ako sa bahay namin ng asawa ko. Panahon na nga siguro para mag usap kami ng maayos.
Di naman forever matatakbuhan ko yung problema ko.
Problema namin ng ASAWA ko. Nangako ako sa harap ng Diyos at ng mga tao na sabay naming haharapin ni Luther lahat ng problema.
Naging mahina ako, oo dahil masakit sa parte ko. Pakiramdam ko naapakan ang pagkababae ko.
Pero di ko na kasi kaya. Namimiss ko na si Luther. Yung mga halik nya at mga yakap.
Inayos ko lahat ng gamit ko at inilagay sa maleta.
Pagbaba ko nadatnan ko si Mommy at Daddy na kumakain. Napunta ang atensyon nila sa maleta na hawak ko.
"Uuwi kana?" Naka ngiting tanong ni mommy saakin.
Napasimangot ako "Parang masaya kapa mommy!" Nagtatampong sumbat ko
"Eh kasi naman anak! May asawa kana dito kapa rin umuuwi! Harapin mo na yang asawa mo kawawa!" Himutok ni mommy
"Daddy oh" panghihingi ko ng saklolo.
"Your mommy is right princess. You need to go home."
Yumakap ako sakanilang dalawa. Sobrang bless ko dahil nandyan sila palagi sa tabi ko kahit napaka tigas ng ulo ko.
"I love you both" bulong ko sakanila.
Bago pa kami magdramahan nagpaalam na ako sakanila.
Habang pauwi ako halo halong emosyon ang nararamdaman ko.
Kaba. Saya. Pangungulila.
Ano na kayang nangyari sakanya.
Pagdating ko sa bahay namin ni Luther nakabukas ang gate. Ipinark ko sa garahe ang sasakyan na gamit ko.
Kinuha ko ang gamit ko at tumuloy sa loob.
Sumalubong saakin ang napaka ruming sala. Mga can beer na kalat kalat sa sahig. Plastic ng pagkain at mga junkfoods.
Itinabi ko ang maleta ko nadatnan ko si Luther na natutulog sa sofa.
Lumapit ako sakanya, hinawakan ko ang pisngi nya. May dark spot na sya sa ilalim ng kanyang mga mata. Medyo humaba na ang buhok nya at nagkabalbas pero ang gwapo pa din nya.
"Anong nangyari sayo? Sabi ko alagaan mo yung bahay!" Inis na sabi ko. Kahit parang tanga ako dahil tulog ang kausap ko.
Hinubad ko ang sapatos at medyas nya. Iniakyat ko sa itaas ang gamit ko at to my surprise puno ng red petals ang higaan namin.
Ay gago. Kailan pa sya naging ganito ka corny?
Bumaba ako at nilinis lahat ng kalat nya. Lagot talaga sya saakin kapag nagising sya!

BINABASA MO ANG
My Creepy Bodyguard
RomansaAre you ready to have a stalker? A handsome stalker who will turn your life upside down. Rhine Luther Waye, a stalker and weird guy. Queeni Lhizhete Guina, a girl who has a stalker and who'll ended up being her body guard. What do you think will ha...