NAGISING ako sa sunod sunod na kalampag galing sa labas ng kwarto ko. Hindi na ako nag abala pang mag ayos oh mag suklay. Maganda naman ako.
Tumakbo ako palabas at laking gulat ko ng makita ko si Luther na nasa tapat ng pintuan ko
Kumurap ako ng tatlong beses para maka sigurado sa nakikita ko.
Si Luther!
Naisara ko ulit ang pinto dahil sa hiya. Nakakahiya ang itsura ko ngayon dahil naka pantulog ako na may cartoon character na PANDA, gulo gulo ang buhok ko. Kinapa ko ang mata ko dahil baka may morning glory pa ako! Aish. Bakit ba palagi nalang akong napapahiya sa harapan nya.
"Hindi kapa papasok?" Narinig kong tanong nya mula sa labas.
"Shit. Sorry. Maliligo lang muna ako saglit!"
Tumakbo na ako papunta sa banyo at naligo nang mabilis.
Mabango naman ako kaya okay lang yan.
Pagbaba ko wala na akong nadatnan kundi ang mga maids sa bahay. Lumabas na ako dahil panigurado nag hihintay na doon si Luther.
Napatigil ako sa paglalakad ko nang maalala ko ang nangyari kahapon. Damn. Wag mo nang isipin yun Queeni.
Ipilinilig ko ang ulo ko at tumuloy sa labas. Nadatnan ko syang may kausap sa cellphone.
Ibinaba nya agad ang hawak nyang telepono dahil nakita nya akong nakatitig sakanya.
Naiilang akong umiwas ng tingin "Ah. Lets go Luther. Sorry. Nalate kasi ako ng gising" Pag dadahilan ko
Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil ginulo nana man nya ang tahimik kong utak. Dafck. Ano bang pinagsasabi nya na He wont let them hurt me? The hell. Baka nga sya pa ang naging dahilan sa pagkapahamak ko.
Sumakay na ako sa likod as usual. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan, hindi na ako nag abala pang magsalita. I scroll my phone message then something caught my attention
From: 0935********
Say Goodbye little Queeni. Bilang na ang maliligayang araw mo enjoy your last day :)
Nahagis ko ang cellphone ko dahil sa kaba. Little Queeni? Bilang na ang araw ko? Thats bullshit. Isa lang ba ito sa mga prank message nila? Kasi hindi nakakatuwa!
Naipreno ni Luther ang sasakyan "What happen?" Tanong nya saakin
Nanginginig ang katawan ko dahil sa takot, Binundol ng kaba ang dibdib ko
"IBALIK MO SA BAHAY ANG SASAKYAN! COME ON! FASTER!" Sigaw ko. Para na akong mababaliw sa nararamdaman ko ngayon
Naguguluhan syang tumingin saakin "Ano bang nangyayari sayo?"
Pinulot nya ang cellphone ko, "Shit"
Pinaandar nya ang sasakyan at tinahak ang daan pabalik sa bahay. Malakas ang kutob ko na may mangyayaring masama.
"Damn!"
Sunod sunod ang ginawa nyang pagmumura. Tahimik lang ako sa likuran, iniisip ko kung sino ang nag send saakin nun.
Blaaaaaaaaaaaaaag
Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil bigla nalang may bumangga sa likuran ng sinasakyan namin.
"Wag kang baba!" Utos saakin ni Luther.
Mahinahon parin ang mukha nya, hindi ba sya kinakabahan para sa pweding mangyari saamin ngayon?!
Nakita kong bumaba sa sasakyan ang tatlong lalaki na may hawak na baril.
Damn. Ngayon na ba talaga ang Last day ko? Sana pala dinamihan ko na ang kinain ko kanina para kung sakali man. Busog ako pag mamamatay ako.
BINABASA MO ANG
My Creepy Bodyguard
RomanceAre you ready to have a stalker? A handsome stalker who will turn your life upside down. Rhine Luther Waye, a stalker and weird guy. Queeni Lhizhete Guina, a girl who has a stalker and who'll ended up being her body guard. What do you think will ha...
