30- One Step to Forever

3.5K 109 1
                                    

Pabalik balik ako sa kusina at labas dahil kanina ko pa hinihintay si Luther pero hangga ngayon ay hindi pa sya umuuwi. Pasado ala una na ng hapon baka di pa sya nanaghalian. Bago sya umalis kanina pinagbilinan ko na sya na umuwi ng maaga.

Napagpasyahan ko nalang kumain mag isa. Kainis. Gusto ko pa naman syang makasabay kumain. Ilang oras ako nag effort para  ang mailuto ang sinigang na ito pumunta pa ako ng bayan.

"Haha. Grabe naman yang kwento mo!"

Nabitawan ko ang hawak kong plato sa mesa at patakbo akong lumabas dahil may narinig akong nag uusap sa labas.

Paglabas ko parang puputok lahat ng ugat ko sa ulo dahil sa walanghiyang babae na may pahampas hampas pang nalalaman sa BOYFRIEND KO.

"Ehem!" Pag pepeke ko ng ubo.

Napunta sa gawi ko ang tingin nila. Tinaasan ko ng kilay ang kasamang babae ni Luther na parang sinampal ng kolorete sa mukha.

"Sino sya?" Malanding tanong nya kay Luther.

"Asawa ko" Walang kagatol gatol na sagot ni Luther na ikinangisi ko ng husto.

Pahiya ka gaga!

Nginisihan ko sya. Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha nya.

"Mahal, sino yan? Katulong nyo sa pagtatanim?" Mapanuyang tanong ko kay Luther. Sinadya kong dinianan lahat ng sinasabi ko para mapahiya lalo ang assumerang babaeng to!

Lumapit saakin si Luther at humalik sa aking pisngi "Silly" bulong nya sa tenga ko.

Pasimple ko itong kinurot sa tagiliran.

"Excuse me?" Maarteng sabi nya

"Malawak ang daan bat nag eexcuse ka? Tch. Excuse me too, may gagawin pa kami ng ASAWA KO. Pwedi ka ng umalis"

Hinatak ko papasok si Luther at pabalibag na isinara ang pinto.

"Nagseselos ka?"

Binato ko ng remote control si Luther "Gago! kailan kapa naging friendly?!" Sigaw ko sa pagmumukha nya.

"Dont worry kahit mag hubad pa sila sa harapan ko hindi kita ipagpapalit"

Humalukipkip ako "Di mo ako makukuha sa mga banat mo" pagtataray ko na ikinatuwa nya ng husto

"Ano bang nakakatawa?!" Inis na inis kong tanong

Hinatak nya ako paupo sa lap nya. "My baby is jealous" isinubsob nya ang mukha nya sa leeg ko kaya nakiliti ako ng husto "I love you Queen" paglalambing nya.

Sino bang babae ang di kikiligin sa mga lumalabas sa bibig nya? Babae lang po ako marupok. Hihi

Yumakap ako sakanya "Di ako nagseselos. Maganda kaya ako bat ako mag seselos sa mukhang hitad na iyon? Excuse me? Di ganoon kababa ang tingin ko sa sarili ko"

I heard him chuckle "I know I know myloves. Afcourse you're the most beautiful girl in the whole world thats why everyone admire you. No scratch that, everyone likes you"

Nawala ang ngiti ko sa mukha dahil sa pagdadrama nya. Itinulak ko sya palayo at umupo sa tabi nya.

"I dont care if they like or love me. Oh hell. I have you that's enough baby" paglalambing ko na ikinangiti nya.

Gotcha! Alam ko na ang kiliti ni Luther sa tagal naba namin magkasama unti unti ko na syang nakikilala.

"You really know how to make me feel happy huh babe?"

I smile "Yes. By the way I'll cook something for you"

"Really? Ano?" Excited na tanong nito.

Imbis na sumagot ako hinatak ko nalang sya papunta sa kusina.

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon