2- First Conversation

7.8K 182 8
                                    

"So ano nga? Bakit ba hindi mo ikwento saamin para maintindihan namin kung bakit ganyan nalang ang reaksyon mo tuwing nandyan si Lanviel. Care to tell us?"

Umikot ang kulay tsokolateng mata ni Erica sa tanong ni Roshe.Kanina pa kasi nito kinukulit si Erica kung bakit ganun nalang ang pagkikitungo nya kay Lanviel. Im not being nosy about her life but I just want to know the reason behind.

"Pwedi ba Roshe. It's none of your gaddamn business. Bakit ba interesado ka?" Kumunot ang noo si Erica at mukhang iritang irita na talaga.

"Kaibigan mo kami Erica. You don't need to keep a secret to us. Remember we're friends. For pete's sake!" Tumaas na din ang boses ni Roshe halata na naiinis na sya sa sagot ni Erica

Inilayo ko ang upuan ni Erica dahil baka mag sabunutan pa silang dalawa dito. Knowing them.

"Lower down your voice Roshe" Suway sakanya ni Niña.

Pinanood ko lang silang magtalo sanay na ako sa dalawang yan. Daig pa ang aso at pusa palagi nalang nag aaway.

Napabuntong hininga nalang si Erica at tumingin saakin

"Okay okay. Lanviel had a secret affair! He cheated on me. Niloko nya ako. One time I saw them they are making out."

Bakas lahat sa mukha namin ang pagbigla. Making out? Seriously?! Magagawa ba iyon ni Lanviel?

"WHAT?" Hindi ko maiwasang mapasigaw.

Yumuko lang si Erica. Tumingin ako sa dalawa umiling lang sila saakin. Akala ko ay ang pagiging mahangin lang ang pangit sa ugali ni Lanviel pati pala ang pagiging playboy. Ang kaibigan ko pa ang naisipan nyang saktan

Tumayo sya at nagmamadaling lumabas. Alam kong nasasaktan pa rin sya hangga ngayon, hindi nya matatangi iyon dahil sa tuwing nandyan si Lanviel sa tabi bigla nalang nag iiba ang mood nya

Sinundan ko sya ng tingin. Sana ay dumating yung araw na maging maayos sila ni Lanviel. Alam ko na mahal parin nila ang isa't isa.

Napabuntong hininga nalang ako ng mawala sa paningin ko si Erica. Hindi na kami sumunod dahil alam kong gusto nyang mapag isa. Inikot ko ang tingin ko sa labas at ..

Napaawang ang bibig ko dahil nakita ko si Rhine na naka silip sa binta ng classroom namin
Iniwas nya ang tingin nya at nagmamadaling umalis.

"I need to go guys. Pinapapunta pala ako ni Mr. Maba Ho sa faculty room"

Hindi ko na sila hinintay sumagot tumakbo ako palabas at hinabol si Rhine

"HEY!" Sigaw ko ngunit hindi man lang nya ako tinapunan ng tingin tuloy tuloy lang sya sa paglalakad nya at para akong tanga na habol ng habol sakanya

Binilisan ko pa ang paglakad ko

Hindi ko namalayan na nasa likod na pala kami ng school
Umupo sya sa ilalim ng puno at pumikit.

Ang creepy nya dba? Hilig nya ba talaga ang pumunta sa mga ganitong klaseng lugar?

Pinagmasdan ko lang sya habang payapang naka pikit sa ilalim ng puno ng mangga. Aware ba sya na nandito ako.

Humakbang ako papalapit sakanya.

"Anong ginagawa mo dito?"

Nabigla ako ng magsalita sya kahit naka pikit ang mata nya. Bigla nalang akong kinabahan parang gusto kong tumakbo paalis sa lugar na ito.

Minsan tatanga tanga ka talaga Queeni! Aish. Inayos ko ang tayo ko hindi dapat ako matakot sa ganitong mga sitwasyon kailangan kong ilabas ang Maldita side ko

Dumilat sya at seryosong tumingin saakin. I raised my eyebrow

After 4 years ngayon ko lang sya nalapitan ng ganito kalapit at ngayon ko lang din sya makakausap

"Hindi bat dapat ako ang mag tanong saiyo nyan? Why are you stalking me? 4 years Rhine Luther Waye. I think I deserve some explanation from you?"

Hindi ko maiwasan na hindi sya pagtaasan ng boses. Kailangan kong malaman kung bakit nya ginagawa iyon. Sino bang matinong lalaki ang susunod sunod sa isang babae na hindi man lang nag papakita ng motibo kung gusto ba nya oh ano.

Dinaanan nya lang ako ng tingin.Nainis ako sa ginawa nya. Kaya Nilapitan ko sya at tinadyakan sa paa

"IM TALKING TO YOU!"

Napadilat sya at tumayo. Napaatras ako ng ilapit nya ang mukha nya sa mukha ko

"Trip ko lang"

Halos mapantig ang tenga ko sa sagot nya. Trip? What the fck. Sa tingin ba nya maniniwala ako sa pinagsasabi nya? Halos apat na taon nya akong sinusundan dahil lang trip nya! Aba! Ibang klase pala mga trip ng lalakeng to. Sobrang creepy nya talaga

Inilayo ko ang mukha nya gamit ang hintuturo ko

"Im not stupid! Damn. 4 years mo akong sinusundan sundan dahil lang trip mo ako?! Eh gago ka pala eh! Eto ang isaksak mo dyan sa makitid mong utak ah? GET OUT OF MY LIFE! STOP STALKING ME! You're making me uncomfortable"

"Why? Ano ba sa tingin mo ang dahilan bakit kita sinusundan? Iniisip mo ba na gusto kita kaya kita sinusundan?" Nginisihan nya ako kaya dumapo ang malambot kong palad sa mukha nya

"Eh gago ka pala"

Dinura ko sya sa mukha. Nakakaasar asal kalye ang ugali. Ang weird na nga sobrang kapal pa, ano sa tingin nya ang iniisip ko? Kung sya lang din naman ang lalaki sa mundo WAG NA! Putsha!

Salubong ang kilay ko ng dumating ako sa classroom. Sinipa ko ang upuan sa harapan kaya ng ginawa ni Erica kanina

NAIINIS AKO!

Napa tingin ang mga kaklase ko sa gawi ko kaya tinaasan ko sila ng kilay "WHAT?" Sigaw ko sakanila

Inalis nila ang tingin nila saakin. Pag wala ako sa mood wag na wag nila akong pakealaman

"What happend zhette?" Bakas sa mukha ni Nina ang pag aalala

"Baka nabauhan sa amoy ni Mr. Maba Ho" Gatong ni Roshe

Kung hindi lang ako naiinis sa oras na ito baka humalagapak na ako ng tawa sa sinabi ni Roshe

Umupo ako sa upuan ko. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang sinabi nya kanina. So ganun, sinusundan nya ako dahil trip nya lang. He's a total JERK! I wont believe him. Fck his lame reason! Baliw lang maniniwala sa ganoong klasing palusot.

Hindi lang sya weirdo. Sinungaling pa.

"HOY GUINA! Anong sinisigaw sigaw mo dyan ah?"

Napangiti ako ng pumasok si Erica na may dalang pagkain. Kahit kailan talaga sya lang ang makaka pag alis ng init ng ulo ko

I think naka pag refresh na sya sa usapan namin kanina.

Nakangiti syang tumabi saakin
"May pasipa sipa kapa ng upuan dyan. Humanap ka ng iba mong style. Yung mapapagod si Roshe sa kakalinis"

Natawa na ako ng tuluyan dahil sa banat ni Erica. I love hanging out with people who can make me laugh and I can make laugh.

Roshe just rolled her eyes.

"Mag aaway na naman kayo?" Tanong ni Nina sakanilang dalawa

"No. I love Roshe. We will not fight again right Roshe?" Erica sarcastically smile.

Inirapan lang sya ni Roshe kaya tumawa kaming lahat. Kahit sa loob looban ko ay nakokonsensya ako dahil hindi ko sinabi sakanila ang naging usapan namin ni Rhine kanina

Wala naman kasing kwenta iyon bakit ko pa sasabihin sakanila

We all have our own secret that we keep to everyone even our bestfriends.

[See Erica Fame Penaflor at the top!]

--

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon