43- Close Case

2.9K 81 3
                                    

Sometimes its seems that there's no reason to wake up.

Problems. Yeah? How can I ever forget about my million problem. Maybe I dont deserve to be happy

Sila pweding maging masaya ako hindi? Ang unfair ng buhay, mayaman nga ako hindi ko naman magawa ang gusto ko.

I sigh.

"Queeni anak kakainin na. Gising kana ba?"

Napabalikwas ako sa pagkaka higa dahil sa tawag ni daddy mula sa labas ng pinto.

"Maliligo lang po ako dad!" Balik sigaw ko na sinangayunan naman nito.

Hinayaan kong dumapi ang malamig na tubig sa aking balat. Hangga ngayon ay hindi pa ako pinupuntahan ni Third, galit pa kaya sya saakin?

Nagbihis na ako at bumaba sa ilalim. Habang naglalakad ako sa hagdan may naririnig akong tawanan sa ibaba kaya lalo akong nagmadaling bumaba.

"Kuya Travis!" Sigaw ko

Napalingon saakin ang mga to. Sobrang lawak ng ngiti ko habang papunta ako sakanila.

"Ganda pa din ah pinsan!" Asar ni Kuya Maclein saakin

Inirapan ko lang ito "Goodmorning!" Masayang bati ko dahil nandito lahat ang mga Kuya ko.

Tumabi ako kay Kuya Travis at yumakap sa mga braso nya.

"Pag ako ayaw mong yakapin pero pag sila gustong gusto mo" nagtatampong pahayag ni Kuya Denviel na ikina bungisngis nilang lahat.

"Bro. Pinagpalit kana ni Queeni kay Kuya Travis" Pang aasar ni Kuya Caelo sakanya.

"Mas mabango daw kasi si Kuya Travis" pang gagatong ni Kuya Maclein

Natawa kami pareho ni mommy dahil sa bangayan ng mga Kuya ko.

"Namiss kita" Bulong ni Kuya Matt sa aking tenga dahil katabi ko din ito.

Bumaling ako sakanya at yumakap ng mahigpit "I miss you too Kuya Matt"

"Ang akala ko ba ako yung gusto mong niyayakap?"

"Eh Kuya travis may nagseselos kapag niyayakap kita eh"

Ngumuso si Kuya Denviel kaya nagtawanan ulit sila.

Panandaliang nawala lahat ng problema ko dahil sakanila. Napuno ng tawanan ang kusina dahil sakanila. Dinalaw nila ako dahil wala silang magawa yeah.

"Kumusta na kayo ni Third? Nakita ko sya sa bar kahapon ah"

Napalingon ako kay Kuya Maclein dahil sa sinabi nya. Si Third nasa bar?

"Saang bar Kuya Maclein? May kasama ba sya?" Sunod sunod na tanong ko sakanya. Di ko alam bakit pero nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Pumupunta sya sa bar ng dahil saakil

Tinitigan ako ni Kuya Maclein para bang nag dadalawang iisip pa ito kung sasabihin ba nya saakin oh hindi.

"Is that true? Ikakasal na kayo ni Third?" Seryosong tanong saakin ni Kuya Travis

"Yes ikakasal na si Queeni kay Third" Si mommy na ang sumagot nanati lang tahimik si daddy sa tabi ni mommy.

Nabigla man sila ngunit nagawa pa ding ngumiti ni Kuya Matt. Isang buwan nalang ang natitira para sa kasal namin ni Third.

Si mommy na at mamu ang nag asikaso ng lahat ng kailangan para sa kasal namin. Nalulungkot ako dahil di ko nagawang maging masaya para saamin ni Third.

Kakayanin ko ba? Magiging masaya ba ako? Sobrang dami kong katanungan sa aking isip.

"Cheer up cous! Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal nyo"

My Creepy BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon