DIANNE__Katitext lang ni Pau my loves na wala daw kaming pasok ngayon. Grabeng school naman itong pinasukan namin wala agad pasok kasisimula pa lang ng klase.
"Good morning Lady Dianne."
"Good morning din po aleng Sinang."
Si aleng Sinang po pala cooker dito sa mansion, nandito kasi ako sa kusina para sana tumulong dahil nakakabagot magantay lang. Nasanay na kasi ako kina tita na ako lahat gumagawa, pero dito palangga naman ako ni Aleng Sinang sa kusina. Take note napakasarap niyang magluto kaya napapadami lagi ang kain ko simula noong nakarating ako dito.
"Anong agahan po natin ngayon aleng Sinang?"
"Meron po tayong fried rice, toasted bread, fried vegetable with shrimp, chicken tocino, scrambled egg, pan cake, Corn shake at pinipig ube ice cream po lady Dianne."
"Teka aleng Sinang? May fiesta po ba? Bat ang dami atang agahan ngayon? Tataba na ata ako niyan eh."
"Wala naman po lady Dianne, utos lang ni young master na maghanda ng maraming pagkain ngayong umaga, ewan ko nga ba don at biglang nagrequest."
"Bat kaya Aleng Sinang? May kakatayin kaya?"
Lumaki ang mata ni Aleng Sinang sa sinabi ko. Napa hehe,na lang ako para palusot with peace sign pa.
"Good morning munchie.."
"Duh? Ano ba yan bunch ang baho... bakit may chie pa?"
"I want to be more unique."
"Alam mo babybunch umaga kay ganda wag mong sirain."
"Fine sweetymunch I'm sorry."
Nakakakilig naman yung endearment namin nahahalo sa conversation na ganito. Astig pa lang pakinggan...
Hehehe"Munch? Are you okay?"
"Aaah?! Oo naman. bakit?"
"Lets have our breakfast, gutom na ako."
Weeh???
Himalang sinabihan ako na gutom na siya.
Naupo na kami sa pagkahaba habang lamesa. Ayoko sa bawat dulo kami umupo kaya magkatabi lang kami, nasa center nga lang siya tapos both side naman kami ni lolo Fons. Ako sa right side si lolo Fons naman ay sa left side."Munch, hinay hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka."
Kasi naman di ko mapigilan ang sarili ko, pagdating kasi sa pagkain wala akong inuurungan.
"Dikana naswanay syakin brunch, masyadong mwasyurap kwasi ang pragkain."
"Hahahaha...! You're so cute munchie."
Ayan nanaman yung munchie na tawag niya ang baho pakinggan.
Tumawa din pati si lolo fons, nako naman wala ata akong good manners nito. Mukha akong patay gutom sa inaasta ko nakakainis naman.
Umayos ako ng upo at dahan dahan ng kumain, wala na pala ako sa dati kong buhay kaya dapat ibagay ko ang aking sarili sa paligid ko. Baka mapahiya itong asawa ko sa mga old habits ko sa buhay."That's better munch, but its okay to show your real you. Tayo tayo lang naman nandito." Wink
Kumindat pa ang loko, palibhasa nasisiyahan siyang panoorin ang pagkakalat ko.
"Don't do that pouting style in front of me wife. Baka di ako makapagpigil."
Ano daw? Nasamid ata ako sa sarili kong laway. Umuubo ako dahil nabulunan ako sa aking narinig.
![](https://img.wattpad.com/cover/68879510-288-k372464.jpg)
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
General FictionCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...