Requested by JuvyCabatingan and this chapter also dedicated to her.
Hope you like it guys...
(Keeper and mary's special chapter)
Mary Jane__
Pagkatapos ng araw na pagpapanggap ko bilang girlfriend ni Kingkong ay mukhang nagtuloy-tuloy pa ang akala kong isang araw.
He actually courted me for REAL
Yes it's for real. Naalala ko tuloy ang sabi ng Lolo niya.
kaya hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya O hindi.
Wala naman akong damdaming malalim kay kingkong na ikakahulog ko, NOON.
Pero ngayon parang nagiiba na ang lahat, sa school akala mo'y isa akong bida de kontrabida sa mga babaeng patay na patay sa kingkong na yun. Porket apo ng may ari ng school habulin na. Kala nila ganoon din ako, well??? Not totally.
Syempre yung promise niyang Ferrari ko ay nakuha ko na.
Lahat ng klaseng kakingkoyan ay kanyang nagawa para sakin, para lamang sa sagot ko. Kaso, dahil sa matigas tong puso ko mahihirapan talaga siyang makapasok. Pero sabi nga nila babae ako at anytime lalambot din. Tsk!
"Woi! Ayos ka lang ba dyan coz? Lalim ng iniisip mo huh?"
Usually kasama ko lagi si Dianne kapag wala ang mga bodyguards niya. naiinis kasi siya minsan sa mga ito lalo na kapag kung saan siya nandon din ang mga ito. Mas pinagkakatiwalaan pa ako ni Vincent kesa sa mga kalbong bodyguard nito insan ko.
Simula kasi noong nakidnap siya ay naging alerto na si Vincent at ayaw na niyang maulit muli ang nangyari.
May anak narin siyang kambal na sing cute ko. Ehemmm
"Alam mo kasi coz, mukhang may something na ako kay Keeper."
Agad nanlaki ang mata niya pero napalitan din ng kapilyuhan at nagtatatalon pa sa tuwa. Masaya pa siya kesa sakin.
"Kyaaah!!!! Talaga??? Sabi kona eh, 100% akong madedevelop ka rin. Whahahaha talo sa pustahan si Vincent." Sabay takip ng bibig niya. Tsk!
Aba't? Pinagpustahan pa talaga nila ako ng asawa niya.
Pambihira.
"Ano??? Pinagpustahan niyo ako?" Sabay tayo at ekis ng braso ko sa aking dibdib.
Panandalian siyang nagisip at natawa na kalaunan.
"Ay coz, relax ka lang dyan. Actually ayaw niya kasing maniwalang madedevelop ka kaya sabi ko pustahan kami. Hehehe"
Ka yamang tao na nito pero makikipusta pa.
"Magkano?"
Dapat may hati ako sa pusta niya. Nyahahaha
"Grabe ka naman insan. Sa itchura ng face mo makikihati ka lang eh. Pano natin hahatiin ang isang kotse? ABER???"
Takang tanong nito na nakataas ang isang kilay. Pambihira, akala ko pera yung pinagpustahan nila. At bat kotse? Ang dami na kayang kotse sa bahay nila.
Parang Car business na yung garahe nila sa dami ng sasakyan.
"Pfftt! Kala ko pera, nako naman insan pwede naman natin ibenta. Diba?"
Agad naman itong tumayo at ginaya ang porma ko.
"NO WAY! Mahal yun Mary. Tsaka na lang kita hahatian kapag may ipon na ako."
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
General FictionCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...
