DIANNE__
Ilang araw narin ang lumipas simula nung umalis si Vincent, feeling ko nga napakalungkot ng buhay magisa sa mansion. Ganito siguro feeling niya dati no?
Imagine magisa ka sa kwarto tapos wala kang makausap, para kang tanga na paikot ikot sa bahay at mga bulaklak lang tangi mong kasama, nakakabaliw yun promise.
Lalo na kapag kagaya kong maingay ang maiiwan magisa, di rin naman masyadong nakikipag usap sakin ang ibang katulong kasi takot sila, mukha ba akong dinosaur na kakainin sila anytime?
ito namang si lolo Fons laging wala at si aling sinang naman ngayon pa naisip magday off.
Buti na lang nagawang bumisita ni Franco sakin para mangamusta.
Ang masaklap pati bff ko di kona mahagilap kung saan,
Tapos si pilay minsan lang siya nagparamdam nung dumating siya doon sa America yun lang.
Tapos kahapon naman ang operation niya nagcall naman siya pero ang saklap mabilis na usapan naman ang iginawad sakin.
Yung parang umihi lang sa banyo ang peg.
"munch I miss you today is my operation, I'll see you soon."
Yan lang sinabi niya.
Kaya nag okay na lang ako at take care ang nasabi.
Sarap niya ngang ipakatay sa doctor para libing na lang dito.
Nakakainis kasi...tumawag pa bitin naman. Tsk!
Ako na nga di mapakali ngayon dito tapos ganon lang sasabihin niya?
Badtrip nako umagang umaga. Kaloka tong buhay ko, baka umuwi mona ako kina mama at papa sa darating na bakasyon para makapag bonding naman sa kanila.
Kesa naman mamutla ako dito sa kakaisip ng wala. Buti pa nga kina tita Marta kahit nagsusungit dati di ako iniiwan.
Teka? Bat ba ako nageemote?
Hay!
Kahit lutang pa ang isip ko nagawa ko namang maligo,magdamit, mag-almusal at lumakad papasok ng sasakyan kahit parang antok pa ako, mukha na nga akong zombie eh,!
Makalipas ang mahabang byahe ng dahil sa trafic ay halos abutin kami ng tanghali ni mang Leo sa daan,
Ang dami niya ngang kwento sakin pero wala akong maintindihan kahit isa... siguro kailangan ko munang maglibang ngayong linggo.
Sawakas___
Nandito na ako sa school at habang nasa corridor ako naglalakad papuntang class ko ay nakasalubong ko nanaman ang Kapre...
Ang sama na nga ng umaga ko nadagdagan pa. Tsk...
Remember niyo po ba si kapre?
Umiwas ako ng tingin dahil sobra sa talim eh, baka masaksak pa ako.
"Aba? May naligaw na baliw."
Sino kaya itong sinasabihang baliw nitong si Kapre asungot.
Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, wala namang tao.
Teka nga? Don't tell me ako tinutukoy niya?
"Ako ba tinutukoy mo kapre?"
"Tumpak...! "
"Wala ako sa mood makipag bangayan Kapre kaya wag mong hahamunin pasensya ko."
Alam niyo ba? Simula noong araw na nagwalk out siya sa klase ay pinipeste niya na ako. Remember yung first meeting namin dito sa school?
Di kona nasabi sa inyo noong nagdaang linggo dahil busy ako kay Vincent. Alam niyo na focus,si author sa love story namin.
"Peace tayo author!! Love you..."
Mabalik tayo sa reality, itong si kapre minsan asungot minsan naman kakaiba kinikilos. Ano kayang meron sa kanya?
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Narrativa generaleCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...
