Mary Jane Gutierrez ang nasa picture. Pinsan ni Dianne po na membro ng gangster, hehehe
Kaway2x sa mga Kpop fan.
Here's another update...
Nilulubos kona po para sa inyo.
Enjoy!
CLEVERBERRY at your service...DIANNE__
Bogghss!
Krak!
Whaaa!!!
Napatili ako sa gulat, lam niyo kung bakit?
Kasi naman,, nabasag na ang iPhone 9 ni Vincent, siya pa lang ata ang meron niyan.
(Wag na ma engs sa iPhone 9 ni Vincent, bwahaha)
Bat ba ang mayaman kung magwaldas ng pera wagas.?
Sabihin niyo nga sakin san sila kumukuha ng ganon?
Naaawa tuloy ako sa cellphone niya, walang kamalay malay sa nangyayari tapos inihagis niya lang. Sayang tuloy.
"Sino ba tumawag sayo at galit na galit ka dyan? Bat mo inihagis ang cellphone mo? Nagagalit kaba dahil naudlot ang moment natin?
Pwede naman nating itu__"Ano bang pinagsasabi ko?
Nakakahiya!!!
Grabe naman itong bibig ko, walang preno...
^\\\\^Embarrassing todo todo...
Parang wala na ata akong delakadesa sa pananalita ko.
Huhuhu!Buti na lang ata di niya napansin pinagsasabi ko. Wala eh, tulala parin siya.
"Dianne! Anong nangyayari dyan?" Duke
"Ayos ka lang ba baby girl?" Zurich
"Buksan mo tong pinto! Bunso?" Zachary
Mga kuya ko yan na tila nagaalala ang mga boses. Nako! Napalakas ata ang sigaw ko. Kala ko kasi ako ang babatuhin ni Vincent eh, malay ko bang cellphone pala ang sasayangin niyang ihagis.
"Ayos lang ako mga kuya, may ipis lang na naligaw dito. Promise ayos lang!"
Ayan! Napasigaw nanaman ako.Whoo, sana effective ang pagpapalusot ko, baka kasi kung ano pa isipin nila kapag nakita nanaman nila dito si Vincent sa kwarto ko.
Este! Namin pala dapat.
Muli kong tiningnan si Vincent, parang nagliliyab siya sa galit at di ata namalayan ang pagdating ng mga kuya ko.
Nakakatakot ang awra niya, parang ang dilim ng mga mata niya kahit di masyadong maliwanag kitang kita ko parin. At nakakuyom ang mga kamay niya. Lalim ng iniisip niya, di ko masisid.
"Sigurado ka bang o.k. ka lang dyan Princess?" Duke
Malumanay na tanong ni Kuya Duke sa kabilang dako ng pinto. Mukhang pinag alala ko sila sa sigaw ko. Pero itong si Vincent wala paring emek.
Ano bang dapat kong gawin?
Marahan ko siyang hinaplos ng nanginginig kong kamay sa pisngi at don napansin na niya ako ulit. Hay! Ferness Effective naman dahil Mukhang kumalma na ang black aura niya. Siguro dahil sa lamig ng kamay ko.
Pilit akong ngumiti kahit na alam kong binabagabag din ako sa nangyayari. Alam kong maraming kaaway sina Vincent dahil sa pagiging mayaman nila. Nalaman ko yan noong nakidnap ako. Hindi lang pala siya millionaire.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
قصص عامةCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...