Secrets

54.6K 968 15
                                    

Picture po ni Shown Tyler...
Kabilang po sa Kapre association.
Hehehe

Dianne__

Heto nanaman kami sa dagat at nagtatampisaw sa ilalim ng bilog na buwan. Magiging baluga na kami dahil laging nagsuswimming araw at gabi. Tss!

Napakasaya ng bawat isa dahil kitang kita ko sa mga mata ng kaibigan kong nageenjoy sila.

Si Franco nga kanina pa habol ng habol kay Pauline, ito namang si myloves pakipot pa. Kaya ayun nakaapak ng bato na matulis at nagkasugat sa paa, pfftt...  kaya naman di magkaugaga si Franco kung anong gagawin, mababaw naman kaya di na ako nagreact masyado. Si Franco lang ang O.A makareact sagad... parang madededo na si myloves sa kanyang panic mode. Tsk!

At dahil sa matsaga itong si Franco ay ngayon buhat buhat na niya si Pauline papasok ng bahay para makapagpahinga. Nakascore din ang bruho, buti narin yun dahil kanina pa niya ako binabantayan. Feeling ko nga kahit langaw ayaw ng dumapo sakin.
Ano kayang sinabi ni Vincent at nasabi ni Franco na substitute siya nito?
Di na kasi ako nakapagtanong ng kung anu-ano sa kanya dahil iniiwasan ako. Pero daig pa ang bodyguard ko kung makabantay.

Matapos magtampisaw sa dagat ay agad akong umahon at kumuha ng tuwalya para ilagay sa balikat ko.

Nakaupo lang ako dito sa ilalim ng puno at pinagmamasdan ang mga magsyota na naghaharutan parin sa dagat.

Kaninang hapon nga nagkayayaan sa isang game at dapat by pair. Niyaya ako ni Keps na hinarangan ni Franco, kaya lang hinila naman siya ni Pauline dahil sila daw dapat ang partner.
Pero si Mary naman ang pumalit para harangan si Keps, ang weird nilang pareho ni Franco.

Si Mary at Keps parang aso't pusa, niyaya kasi ako ni keps maligo pero umawat ulit si Mary dahil di daw pwede na may ibang lalaki ako.
Nakakahalata na ako sa kanila, feeling ko nautusan itong dalawa na magbantay sakin.

Feeling ko lang, maypagka feelengera din. Hahaha

Pero? Kumirot ang puso ko. Sana siya na lang nandito para magbantay sakin.
Nakakainis nga minsan feeling ko wala siyang trust sakin. Tsk!

Kaya ang ending kanina si Mary ang naging partner ni Keps sa laro na water fighting. Yung maglalaban sa tubig habang buhat ka ng partner mo, napakasaya kahit nanonood lang kami nina tita at Jun jun dahil kay Mary.

Wala pa yang naging boyfriend at di yan nagpapahawak sa lalaki. Pero nakakagulat ng magprisinta siya na siya ang maging pares ni keps kesa sakin. Nako! Crush niya ata si Keeper, ayaw lang sabihin. Hahaha
Wala naman nakitang pagtutol kay tita na buhatin ni keps ang palangga niyang anak.

Kaya ang ending talo sila, wala kasing cooperation sa kanila. Hehehe!

"Mind if I join you here?"

Nagangat ako ng paningin at nakita kong nakangiting si Keps.
Bat kaya cute siya ngayon?
Ay ano ba yan Dianne, landi mo.!

"Oo naman, wala naman nakalagay na no trespassing."

Tumawa kami pareho at naupo siya sa tabi ko. Ano nga bang connection bun?
Para namang pagmamayari ko itong ilalim ng puno.

"I have a secret to tell."

Pauna niyang sabi. Ano kayang nakain nito at biglang naging open. Himala ata ito...

"Tungkol san naman?"

Humarap ako sa kanya, pero nanatili siyang nakatingin sa dagat.

"It's about my feelings."

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon