Sorry sa mga typos ko guys, di kona kasi na Edit pa.
Nagupdate po ako agad para sa inyo.
Sana maenjoy niyo ang chapter na ito.
ZURICH__
Ano ba tong mga to? kanipa pa kami paikot-ikot sa Mall at walang kapaguran. Tss!
Sinamahan namin kasi sila dahil sa bodyguard nga kami ni Baby Girl, at siya rin ang nagyaya sa mga kaibigan niya na pumunta ng Mall para mamili.
At ayos lang naman sa tatlong babaeng nandito ngayon ang magshopping daw dahil galing sa mayamang pamilya at kayang kaya ang halaga ng mga damit dito.
Pero actually mas maganda pa sa ukay-ukay, mura na, wala pang kakompetensya. O diba? San ka pa? Kung budget wise paguusapan. Laba lang naman ang katapat ng ukay-ukay na damit tapos I plantsa para mamatay ang mikrobyo.
😏
Magiisang linggo narin kaming pumapasok sa school. As far as I know wala pang nagbabalak ng masama sa bunso naming kapatid. Mahabang paliwanagan kung bakit pumayag ay hindi, napapayag dapat iyong si Vincent na papasukin ulit sa paaralan itong si Baby Girl, well? Ayaw niya talaga pero no other option dahil si Tatay ang nagsuggests.
Nagusap sila ni Tatay tungkol dito at eto nga ang plano ni Tatay. Ang gawing paen si Baby Girl para mapalabas sa lungga nila ang natitirang kalaban nina Mr. Vladimir Montague. Kahit kami nagulat sa plano ni Tatay na ganon.
Kalain mong ipapain ang only daughter niya? Ano kayang pumasok sa kokote ni itay?🤔
Kaya nga kami ang naatasan dahil kompyansa samin si Vincent, lalo na si Tatay dahil pinagkakatiwala niya ang buhay ng nagiisa naming kapatid na babae kung alam lang ni nanay to, puputulan kami non ng ulo. Kaya wala silang alam ni Baby Girl.
Kaya naman namin daw protektahan si Baby Girl noong patpatin pa kami, ano pa kaya daw kung maskulado na kami ngayon. Nakaka flattered actually na malaki ang tiwala ng mahal naming ama samin.
Ikot lang kami ng ikot hanggang sa may pambabaeng undergarments kami huminto at pumasok. Pero ang dalawang maskulado nagpaiwan sa labas.
Kaya ako tong nandito at sumusunod sa kanila. Alangan pabayaan ko itong si Dianne,, baka may spiya dito sa dalawang ito. Okay lang si Pauline parang kapatid narin namin yan.
"Dianne, bumili ka kasi ng ganito oh para naman maakit pa ng todo ang asawa mo." Ann
"Yucky! Pangit ng kulay, ito dapat Dianne this color Red is attractive, para madugo ang labanan niyo sa Kama. hihihi." Feli
"Ano ba yan? Ang lalaswa naman ng pinipili niyo, di ako porn star no.!" Dianne
"Anong masamang magsuot ng lingerie? Sabihin mo my loves, manang ka lang, walang kataste taste sa pananamit. Pfftt" Pauline
"Wag niyo nga akong pagtulungan, mamimili tayo ng damit para matakpan ang katawan, di yung kinakapos sa tela ang pipiliin niyo. Pajama dapat sa Gabi." Dianne
"Duh? Sana Dianne nagmadre ka na lang. I don't know why you're to old fashion." Feli
"Ouch naman, kahit English yan naiintindihan ko Felicia." Dianne
"Tama si Feli Dianne, over ka kasi sa pagka conservative dyan. Wala na po tayo sa makalumang panahon. Baka maghanap ng iba asawa mo dahil sa di ka nagaayos.tss!" Ann
Di nakalampas sa pandinig ko ang pinagsasabi nila kay Baby Girl, pambihirang mga kaibigan, sakit magsalita.
Ano kayang binabalak nila kay baby girl? Natulala na kasi dahil natamaan ang ego niya.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Fiction GénéraleCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...
