DIANNE__
Nagising ako sa ingay ng alarm clock kaya padabog kong inihagis ito kung saan.
Sana di nasira, mahal pa naman non.
Ikaw ba naman di mapuyat kung ina araw araw ka ng asawa mo.
Lam niyo na, laging active ang Jun jun niya, kawawa tuloy ang pepe ko.
Noong tatlong buwan na nagdaan maraming nagbago, matapos ang gabi na ibinigay ko sa asawa ko ang buo kong pagkatao, kaluluwa, name it, lahat non ay naibigay kona sa asawa ko. Kinasal narin kami last month at over sa bongga mga te, pinagkagastusan.
Mula simbahan hanggang reception. Ten layers din ang taas ng cake namin.
Kung may itataas pa don baka yun din ang gusto nila. Pero over na ata. Kaya hanggang ten layers lang ang inapprove ko.
Wala din akong choice kasi sabi ni Grandpa noon di siya nakaattend kaya dapat sosyal ang wedding namin. Para kaming Royal couple at ang dami ring bisita.
Halos lahat ata ng kamaganak ko sa ama at ina ay nandon, mga media, mga taong VIP at maging ang Pangulo ng Pilipinas.
Charot!
Basta, madaming umabang at sumubaybay sa love story namin ng asawa ko, nagpainterview kasi kami sa dalawang sikat na channel station dito sa pinas. And yun na nga, pati mga tao na nakapanood ay inabangan ang mala ewan na fairytale namin ng asawa ko.
Back to reality,
Masakit parin ang pagitan ng mga hita ko, pinagod ako nitong asawa ko na wala ata sa bokabolaryo ang salitang KAPAGURAN.
Tulog mantika, lakas ng alarm clock na para sa kanya pero ako ang nagising.
Di siya nagsasawang ulit ulitin na ipadama sakin kung gano ako ka special sa kanya, at kung gano niya ako kamahal.
Kaya naman pinagbibigyan kona, makulit din kasi si Grandpa at nagtatanong kung meron na ba daw siyang susunod na henerasyon.
Ginagawa na nga namin ni Vincent ang lahat eh! Lahat lahat na halos araw araw na.
Buti na lang alagang Manang Si ako, dahil sa nagdaang buwan feeling ko isa na akong halimaw.
Halimaw sa pagkain.
Grabe, mas tumakaw pa ako kesa dati. Halos ata lahat ng niluluto sakin walang nasasayang.
Kaya ito, mukha na akong si Taba chingching sa laki.
Huhuhu!
Pero di naman nagsasawa si Vincent sa pagmumukha ko. Mas cute daw ako kapag mataba. Tapos tatawa naman. Tss!
"Bunch! Gising na, may pasok kapa sa opisina."
Niyugyug ko siya at ungol lang ang iginawad sakin.
Pambihira, ako dapat ang tulog eh! Pinagod niya ako kagabi. Mga alas tres na ata nong ma knock down kami.
"Vincent Kyle Montague! May trabaho kapa, at meeting niyo ito with the board of directors, kaya bangon na.!"
Halata ko rin na sumungit pa ako kesa dati. Mas maliit na pasensya ko ngayon.
"What time is it naba Munch?"
"Tinatanong mo pa? Past 9 na po, at 30minutes na lang late kana."
Napabalikwas siya ng bangon at nagmura.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Fiction GénéraleCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...
