Party part two

43.1K 853 16
                                        

Paalala ni Author:

may konting SPG po ito. Konti lang namam po at di makasakit mata. Hehehe

Read at your own risk...






DIANNE__

rNaglakad na kami papasok sa hall kung saan ay nagsisimula ng magpatugtug ng music.

Medyo awkward dahil tahimik kami pareho.

Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita.

Siguro dahil sa tensyon kanina sa labas.

Madaming sumasayaw sa gitna ng makapasok na kami sa hall at puro couple ang sumasayaw.

Nakita ko rin lahat ng kaibigan at pamilya ko ay sumasayaw na nakangiti habang yakap ang mga mahal nila. KakaEngs nga eh!

"May I dance with my Wife?"
Sawakas nagsalita din siya.

Tumingin mona ako sa paligid, mukhang busy ang lahat at di pa kami napapansin. May mga kamera kung saan saan ako tumitingin. Ang ibig sabihin mukhang meron ngang mga press ngayon.

"Bunch, parehong kaliwa ang paa ko kung sasayaw tayo. Baka maapakan kita." Nagaalinlangan kong batid sa asawa ko na nakangiti nanaman.

"It doesn't matter, just trust me Munch."

Ngumiti ako at tinanggap ang kamay na nakalahad para sakin.

Nagsayaw kami, kahit parehong kaliwa ang paa ko.

Buti na lang di ko naapakan ang paa ni Vincent, sabi niya just trust me. So? Go lang ng go...

Nakahawak siya sa bewang ko at ako naman sa leeg niya.

Slow music kasi, parang pampatulog sa bata. Hikab ako ng hikab samantalang ngisi ng ngisi naman ang asawa ko.

Bat kasi di pa disco music ang pinatugtug nila. Boring tuloy :-(

"Munch, sorry." Hala, heto nanaman siya sa sorry.

"Para san?"

"Kanina kasi, ako dapat ang susundo sayo. But___" agad kong tinakpan ng hintuturo ko ang labi niya para di na siya makapagsalita pa. Sayang ang moment na ito. First time kaya naming sumayaw no!

"Ssshh! It's okay, I know walang namamagitan sa inyo."

"Why your not mad at me?"

"Why should I? I trust you Bunch, even you tell a lie, I still believe in you." Naks, nagiging englisera na ako. Hehehe

Pero totoo yung tinuran ko, kahit nagsisinungaling siya alam kong ikakabuti naman.

Matapos ang kanta ay nagkanya kanya na ng upo ang mga tao sa table nila.

Ganon din naman kami ni Vincent, nasa bewang ko parin ang isa niyang kamay.

Biglang nagsalita ang MC at tinawag si Grandpa papuntang stage. Lahat natahimik matapos ng palakpakan.

"Good evening ladies and gentlemen, lend me your ears for awhile. thanks for coming tonight. This party is not just for me but for my only heir. He and his wife will join me in stage, let's all welcome my grandson and granddaughter."

Muling nagpalakpakan ang mga tao, at naglakad kami ni Vincent pataas ng stage. 

Ang mga camera ay flash ng flash sa mukha namin ni Vincent, nakakasilaw na dahil mata ko ang naaapektuhan.

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIREMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon