DIANNE__
Matapos kong manganak kanina ay ang pagkawalan ko ng malay sa ikalawa kong anak,
Kaya iyak lang narinig ko at hindi ang gender niya.
Hinimatay na kasi ako sa pagod sa pagire.
Hirap pala ng dinaanan ni nanay sa panganganak, kaya kayong mga bata mahalin niyo nanay niyo at wag paiiyakin.
Mararamdaman niyo rin balang araw ang hirap ng maging isang ina. Pagnaging ina na kayo.
So? Ang pagiging magulang nanaman ngayon ang role namin ng asawa ko.
At kambal pa ang anak namin.
Wala sa lahi namin ang kambal, pero isang taon lang ang agwat namin ni kuya Zur...
Pero baka sa lahi nina Vincent may kambal diba?
Pagmulat ng mata ko ay karga ni Tatay at Nanay ang mga anak ko.
Alam kong lalaki ang panganay ko, ganon din kaya ang bunso ko?
"Gising kana pala anak, heto tingnan mo ang mga baby mo, ang gwapo at ganda nila."
Gwapo? Syempre mana sa ama
Ganda? Syempre mana sakin.
Agad kong kinarga silang dalawa sa bawat braso ko. Nakablue lampin ang panganay kong lalaki at nakapink na lampin ang bunso kong babae syempre.
"Asan po si Vincent Nay?" Tanong ko ng di ko makita ang asawa ko.
Imbes si nanay ang sasagot si Tatay ang nagsalita.
"Nandon at iniinterview ng Doctor para sa live birth ng kambal."
Interview talaga?
Ano yun magaapply dito?
"Ganon po ba?" Tumango na lang sila sakin.
Pansin kong puno ng balloons ang kwarto ko, may mga fresh flowers at pagkain sa mesa, meron ding mga regalo sa sahig.
Pero kami lang ang nandito.Nasan na kaya ang mga kuya at ate ko. At ang mga lokaret kong kaibigan?
Nagpaparty ba sila noong tulog ako?
Andaya naman!
Di man lang ako inantay na magising.
Ansama nila. ( Pouting )
"Ano pala ang magiging pangalan nila anak? Wala pa kasi silang name tag, sabi ni Vincent saka na pagbalik niya."
Pangdistract ni Tatay sa imagination ko.Oo nga pala, wala pa silang name tag. Ano nga kayang pangalan nila?
"Ako din po ay wala pang alam na ipapangalan kasi surprised nga na kambal pala sila. Pero si Vincent po mayron yan dahil sabi niya siya na daw magbibigay ng pangalan para sa anak namin. Kasi noong lobo pa ang tyan ko ay may nakahanda na siyang pangalan dito."
Totoo yan, sabi niya siya ang magbibigay ng pangalan, saka na daw sa susunod ako naman. Kaya di na stress ang beauty ko sa kakahanap ng magandang pangalan para sa anak namin. Hehehe
Pero di rin naman sinabi sakin ang ipapangalan niya, surprise din daw yun.
Pero sila ang twin of my heart. Mahal na mahal ko ang mga anak ko.
Baka nga higit pa sa pagmamahal ko kay Vincent. Uy! Wag niyong sasabihin sa kanya, baka magjelly yun sa anak namin.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Ficción GeneralCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...