special chapter 2

42K 539 8
                                        

Ito po ay ang special chapter nina keeper at Mary. May nagtatanong kasi sa love story nila.

At sa mga di pa po nakakabasa ng book two nito just look for "The Billionaire in Disguise" or sa profile ko po makikita niyo.

Maraming maraming Salamat po talaga sa mga sumuporta't sumubaybay sa mga kwentong gawa ng inyong lingkod.

Hopefully you'll like this short update ...

LOVE Yaa!!!

Mary's p.o.v

Sa ilalim ng sikat ng araw ay patuloy ang aking insayo. Kailangan ko kasing maging malakas. Lalo na ngayon ako ang head chief ng Secret Agent ng mga Montague.

Well? Di ko naman ito gusto pero mataas ang offer ni Vincent kaya di na ako tumanggi.

Hirap kaya kumita ng pera ngayon no.

"Ano bang ginagawa mo dyan Mary? May balak ka bang maging ulingling?"

Ayan nanaman po ang pinsan kong panay ang daldal at parang kabute na kung san san sumusulpot.

Palibhasa nakapangsawa ng mayaman... di po ako ingit, naiinis lang ako minsan sa pagiging maingay niya. Pero love ko yan.

"Manahimik kana nga lang dyan Dianne, asikasuhin mona lang yung asawa mo't umuwi kana."

"Ay sus! Ampalaya ka talaga insan. Nga pala kasama ko si Keps na nandito ngayon at gusto kang makausap. So bali sinamahan ko siya dito para daw may kakampi siya. Hehehe"

At ano nanaman kaya ang ginagawa ng kingkong na yun dito at nais pa akong makausap, ginawa pa niyang sidekick itong pinsan ko na sandamakmak ang bodyguards every where.

makakatikim talaga yun sakin.

Agad akong nagpunas ng pawis at naitigil ang pagkakarate ko sa mga dummy bags na ako mismo may gawa.

"Uyyy! Si keps lang pala ang magpapatigil sa ginagawa niya. Whahaha!"

Nabato ko ng tuwalya si Dianne na siyang hinalakhak pa niya. Pambihira, madali na nga akong maasar dito nangaasar pa talaga.

Naabutan ko sa sala na prenteng nakaupo itong si kingkong  at umiinom ng kape na alok ata ni Mama.

Yan ba ang pinunta niya?

Ang magkape?

Ano tingin niya sa bahay  ko?

Coffee shop?

Tsk, tsk, tsk! Sabay lakad ng mabilis at sigaw sa kanya

"Hoy Kingkong! Anong ginagawa mo dito?" Sabay turo ko ng hintuturo ko sa direksyon niya.

Naibuga pa niya ang kape na iniinum sa pagkagulat sabay ubo nito. Kawawa naman nagulat ko nga talaga.

"Kita mo na ngang umiinom ang tao ay nanggugulat ka pa."

Aba? Nagawa pang magalit.

"Wow! ha.ha? Nagugulat pala ang unggoy na kagaya mo." Sarkastikong wika ko sabay tawang peke

"Wag ka ngang nakasimangot lagi, pumapangit kana eh!"

Ano daw?

Ako pangit?

"Suntok gusto mo?"

"Chill Amasona, I came here for a purpose."

"Anong purpose yan? All purpose cream?"

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIREMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon