DIANNE__
Malapit na pala ang pasko dahil bakasyon na.
Naging close kami ni Kapre, I mean keeper sa mga nagdaang araw.Nakilala ko rin mga tropa niyang kapre wag niyong ipagsasabi ah? Hehehe
Sina Shown at Mike na parehong makukulit at palabiro.
At mas nakakagulat na may kakambal pala si Keeper si Keesha, kambal nga pero napaka opposite naman nang ugali nilang dalawa.Naging madami na ang kaibigan ko ngayon kaysa dati. At nagpapasalamat ako kay Vincent dahil nakilala ko siya kaya ako nandito ngayon.
Speaking of Vincent, magiisang buwan na siyang di tumatawag or nagtitxt di niya magawa.
Si lolo Fons lagi ang nagpapaliwanag sakin tungkol dito na naiintindihan ko naman..Alangan umangal pa ako?
Haleer??? Asawang hilaw here.
Pftt... hahahaNakabalik na rin si Myloves sa school, kaya pala siya wala ng buong linggo noon ay dahil pumunta sila sa Japan para sa libing ng kanyang lola sa ina.
Back to normal nanaman ang buhay ko, pero parang may kulang lagi. I donno why?
At yung tungkol pala sa apo ni Grandpa ganito yun.
Flashback...
Paikot-ikot ako sa loob ng bahay at nagaantay kay lolo Fons,
"Hija, bat gising kapa?"
"Lolo Fons,naman eh..! Sabi ko wag niyo akong gugulatin."
"Pasensya na hija. Mukhang balisa ka kasi."
"Ano po kasi Lolo, may __ iba pa po bang apo si Grandpa bukod kay Vincent?"
"Sa pagkakaalam ko Oo, pero wala na ata ngayon dahil lahat sila ay pinatay ng kalaban ni master."
"Di po ba nagsisisi si Grandpa ng dahil sa kanya naubus ang pamilya niya?"
"Sising sisi siya Hija, halos mabaliw noon si Master at halos di na siya makabangon sa kinalulugmukan."
"Pano po siya naging malakas ulit?"
"Dahil kay Young master,,ng makita niya ito nabuhayan siya ng loob at inalagaan ang nagiisa niyang apo."
"Kung ganoon wala nga talagang ibang apo?"
"Oo dahil patay na. Si Young Master na nga lang natira hija. Bakit ano bang bumabagabag sayo?"
"Ano po kasi__yung school namin."
Pano ko ba sasabihin kay lolo Fons ang nalaman ko?
Parang di naman kapanipaniwala kung sasabihin kung may ibang apo si Grandpa dahil wiz akong ibedens para patunayan.
Pero sila ba talaga ang may ari ng school na iyon?
Pagkakaalam ko kasi dati sa MIT ako magaaral pero sa SIT pala."Ano po kasi Lolo Fons, noong araw ng lunes sa school namin ay may mga teacher na naguusap tungkol sa pangalang Montague."
Tumigil ako para sana makinig sa isasabat sakin ni lolo Fons, pero parang inaantay niyang matapos ang kwento ko.
"Tapos sabi nila si Vladimir Montague daw ang tunay na may ari ng school na pinapasukan ko."
Huminto nanaman ako para sana makinig sa sasabihin niya dahil bumuka ng konte ang kanyang bibig pero wala parin siyang sinasabi.
"Tapos po, may apo daw si Grandpa na doon nagaaral at may naghahanap dito."
Doon sa sinabi kong panghuli ay parang gulat at takot ang nakita ko sa mga mata ni lolo Fons.

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
General FictionCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...