Save

49.6K 981 16
                                    


DIANNE__

Lord patawad po sa mga kasalanan ko sa inyo, sana naman po sa heaven ako mapunta wag sa impyerno...
:'(

Kanina pa ako nagdadasal ng kung anu-ano at kanina pa din ako nangangawit dito sa kakaluhod. Wala naman nag-utos, pero ganito ang posisyon ko mula kanina ng ipasok ako dito, in short di ko alam pano ako uupo sa position ko ngayon. Ang sakit kasi ng paa kong walang saplot. ~<_~

Wala na akong piring kaya kitang kita kona ang paligid, nasa isang lumang budega ata ako. At kahit wala ng piring nakagapos parin ang mga kamay at paa ko.

Huhuhu! Ano bang kasalanan ang nagawa ko! Lord Patawad...

Alam niyo ba pano ako napadpad dito?
Kasi ang huli kong pagkakaalala magkasama kami ni Keps. Tapos
kanina pa kasi ako tinatanong ng kung anu-ano. Gaya ng kilala ko ba daw si Vladimir Montague? Oo kilala ko nga pero sabi ko hindi.
Kaanu-ano daw niya ako?
Tapos may alam ba daw ako sa secret na yaman nila? At saan ito nakatago?
Kaloka ang answer and question   portion namin talo ang mga tanong sa beauty pageant.

Palibhasa kidnappers sila ako ang hostage, kaya ako kawawa dito.
Nakatanggap pa ako ng masakit na sapak... my beautiful face magkakapasa pa ata ng bonggang bongga.

Kung kanina halos mabaliw ako sa kakasigaw ng wala akong alam at kaiiyak sa torture treatment nila, I don't care kahit na may alam ako, ayokong mapahamak pati si Grandpa. ngayon naman mag-isa lang ako dito.

Pinipilit kong makawala sa tali, kahit hinang hina na ako pero mahirap pala. Ang sakit na ng wrist ko, feeling ko matatanggalan ako ng kamay anumang oras.

Ang saklap pala ng buhay hostage, kala ko sa T.V ko lang mapapanood. Halos ata isumpa kona ang mga kidnappers na ito, imagine ngayon pa lang ata madededo na ako sa kakaiyak. Dehydrated na kasi ako mula kanina wala silang inalok na tubig o kahit candy man lang.
Huhuhu

"Manong Ilyas?"

Gulat kung wika ng ipasok din siya sa silid. Puno ng pasa at duguan na ang katawan niya. Jusko po, kala ko ba kidnapper din itong si mang Ilyas?

Well? Tinulungan niya pala kasi akong makatakas kahapon, matapos niyang malaman na wala na ang anak niya. Pinatay ng mga gagong kumidnap sakin.
Naawa ata siya sakin sa kanyang ginawa. Kaso? Nahuli kami pareho dahil sa katangahan ko.

Wala din naman siyang mapapala kasi nga wala na ang anak niya. Kung baga suicide mission na ang ginawa niyang pagtakas sakin kahapon.

Kaso? Ay bat puro ata kaso ang bukambibig ko? Tss...

kaso nga? Lahat ng mission walang success always, meron din namang failure.

Boommm!

May biglang sumabog, ewan saang banda pero masama kutob ko, baka maihaw kami ni mang Ilyas dito sa loob. Kaya para akong uod na naglakad patungo kay mang Ilyas, gets niyo ba? Kasi nakatali ang kamay at paa ko.

So? Yun na nga po para akong uod na sa T.V ko lang nakikita yung Larva ba yung title nun? Hay!!! Nevermind, we need to takas right now.

Dahil sa tsaga ko maging uod, sawakas naabut ko din ang pwesto ni mang Ilyas. Pero feeling ko gutay gutay ang damit ko.

Boommm....

Bang, bang!

Boommm!

Ang gulo ata sa labas?
Ano kayang meron?
Sunod sunod ang pagsabog at putukan. Oh my GOSH!
Masisira na talaga ang eardrums ko.

Sana may tulong na na dumating samin. Di ko man maamin pero umaasa ako na sana si Vincent yun.

"Mang Ilyas! Gising na po, may nangyayari sa labas."

Lahat na ginawa ko para magising si mang Ilyas pero failed naman.

Whaaa! Bat kasi kailangan pa akong itali! Wala naman akong matatakasan!"

Pasigaw kung sabi. Di kona kasi kaya, kala ko matapang ako, kala ko kaya kong malampasan ang pagsubok, kala ko magagawa kung makatakas dito. Kaya nga madaming namamatay sa maling akala. At mukhang isa na ako doon.

Booggsshh!

Someone's P.O.V

Di na nakayanan ni Dianne ang sakit at hirap kaya hinimatay ito dahil sa pagod sa paggapang na parang uod para makalapit kay mang Ilyas.

Samantala, sa labas naman ay halos maubus na ang mga taong kumidnap kay Dianne dahil sa nagaapoy na galit ni Vincent sa mga ito.

"Where is my wife you son of a b*tch"

Sabay kwelyo sa isang tauhan ng kumidnap sa asawa niya, pero agad din itong nabawian ng buhay.

( Kayo ba naman tadtarin ng bala.)

"Look everywhere idiots, faster!"

Galit na galit na sigaw ulit ni Vincent sa mga tauhan niya. Wala siyang oras na aaksayahin dahil masama ang kutob niya mula kaninang umaga.

Ngayon lang nila eksaktong nalocate ang pinagpupugaran ng isa sa mga kaaway ng pamilya nila. Dahil nasa pinaka liblib na lugar pa ito.

(Take note, isa sa mga kalaban nila. It means so madaming kaaway.)

Pagbukas niya ng isang silid na nakakandado ay bigla siyang naalarma at agad sinira ang pinto.
Doon natagpuan niya ang asawa kasama ng traidor niyang bodyguard na sugatan din at walang malay, napaisip siya tuloy kung bakit pati ito may sugat sa buong katawan.

Pero inalis niya muna ang pagiisip sa mga ito at agad nilapitan ang asawa.

"Dianne, Sorry if I'm late. Sorry munch if you wait for me to save you."

Di namalayan ni,Vincent ang mga luha na umagos mula sa kanyang mata.
Yakap yakap parin ang asawa at iyak siya ng iyak.

"Vincent? I_kaw ba_yan?"

Nauutal na wika ni Dianne. Sabay ngiti nito sa asawang inaasahan talaga niyang magliligtas sakanya.

"Yeah it's me munch, You're safe now my love. We're going home now." Sabay halik nito sa noo ni Dianne

Lumabas na buhat buhat ang asawa at pinakuha na lang niya ang dating bodyguard na pinagkatiwalaan niya ng buhay ng asawa. Madami pa siyang itatanong dito.

Aalamin talaga niya kung sino ang nasa likod ng pagkidnap sa asawa, dahil sa pasa na nakita niya sa maamong mukha ni Dianne.

"I'll make sure they will die in my bare hands."

Sabi nito sa sarili at agad na sumakay ng sasakyan patungong hospital.

"Stay strong munch, we will go home."

Sabay halik ulit nito sa asawa at sa labi naman ngayon.
Wala siyang pakialam kahit kiss stealer man siya sa babaeng tulog. Asawa naman niya ang ninakawan niya ng halik.

(Oo nga naman asawa niya, pero tulog pa ang tao... bad yun.)

Ng makarating siya sa hospital ay nandoon na lahat nagaabang ang kaibigan ng asawa at pamilya nito.

Pero ang nakapukaw ng kanyang atensyon ay ang tatlong lalaki na nagaapoy sa galit. Hindi niya ito kilala, nakahanda ang mga ito na para siyang kakainin anumang oras.

"Sino ba sila?

May nakaligtaan ba akong impormasyon sa kanya?"



MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon