VISITING

44K 986 17
                                        


DIANNE__

Di ko sukat akalain na mapagsusuot nila ako ng palda na ganito kaiksi. Hindi naman maiksi talaga ngunit lampas tuhod na. Pinaresan ko lang ng long sleeve na damit at flat sandals. Di pa ako sanay sa matataas na takong.

Nagpapalda din naman ako dati pero di gaya nitong suot ko ngayon.

"Kita mona, dalaga ka ng tingnan my loves." Pauline

Inirapan ko lang siya, nagtatampo kasi ako sa kanila dahil pinagtulungan nila ako kahapon sa Mall.

Kung anu-ano ang pinamili nila pero lahat ng yon akin. Wala naman akong magawa dahil nasa kanila ang credit cards ko na bigay ni Vincent kamakaylan lang.

Grabe sila makareact sa credit cards ko, imagine lumaki ang mga mata nila ng makita ito. Parang di sila mayaman kung umasta at pinagaagawan pa kung sino ang magdadala. Parang credit cards lang Di naman kanila pero parang hindi rin naman ako may-ari.

"Nako naman Dianne, secret Billionaire ba asawa mo huh? Golden credit card pa ginagamit mo? Sosyal!"

"Tapos may black credit card karin. You look poor outside but very very rich inside."

Pano nila kaya nalamang secret Billionaire si Vincent? Hmmm! Sa natatandaan ko kasi wala pa akong pinagsasabihan non.

Baka future teller sila sa kanilang nakaraang buhay? Ano ba yan, nagmamalfunction na ata ang brain ko.
Credit cards lang pala katapat nila.

At ng makuha nila sa kamay ko ng di inaasahan ay nagyaya pa silang mamili ng kung anu-ano.

Tapos ang galing pa nilang mangumbinsi. Pwede na silang sales lady sa Mall.

Kaya ang walk in closet namin ni Vincent ngayon nagmukha ng tambakan ng damit, sapatos, bag at kung anu-ano pang gamit pambabae. Buti na lang malaki ang ispasio nito dahil Mas madami na ang gamit ko ngayon kesa sa dati.

Ano nang sasabihin ko kapag nagtanong siya san ko kinuha ang pinamili ko?

Magsasabi ba ako ng totoo na ginamit ko ang credit card Niya para sa pinamili namin?

Masusuot ko kaya lahat ng pinamili nila?

Anong gagawin ko sa iba kung gamit pagnagkataon?

Yan ang tumatakbo sa isip ko noong namimili sila para sa akin. Di ako magkaugaga sa kinatatayuan ko. At ang mga kuya ko reklamador dahil sa dami ng bitbitin.

Baka sabihin ni Vincent waldasera akong asawa, dahil nadagdagan agad ang pera niya sa credit cards na ito. Baka kasi nakamonitor diba?

Whaaa! maloloka na ata ako sa kakaisip.

Pero ang inaasahan kong Vincent na magtatanong at sisigaw ay wala naman sinabi sa nakita niya.
Di rin nagalit o nagcomment man lang sa ginawa ko.
Imbes ay natuwa pa siya sa pinaggagawa ng mga lokaret kong kaibigan.

Sabi pa niya " You deserve all of this Munchie. And I'm so happy na may pagkakagastusan kana."

See?

No wonder he is a Secret Billionaire, san kaya nakatago ang iba niyang pera?

Wala akong masabi sa pagiging mapagbigay niya, wala siyang complain sa kahit na ano. Pero may hiya naman ako sa katawan no...

Halos ata ng pamilya ko nandito na sa bahay niya. tapos nakikikain, nakikitulog, pinapagaral at sinusweldohan pa niya ang mga kuya ko.

Sobrang matulungin ba siya sa iba?
O sadyang madami na siyang pera at di na kasya sa banko?

MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIREMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon