Medyo complicated po ba ang kwento ko?
Naguguluhan po ba kayo?
Well, well, well???
Ganyan po yan sa umpisa, makikilala at maiintindihan rin po ninyo ng mabuti ang bawat tauhan at kwentong ito kapag ipinagpatuloy niyo ang pagbabasa.
Here's new chapter, enjoy!
DIANNE__
Matapos ang aming pagfifishing ay halos di kona mahagilap si Vincent sa bahay.
Siguro nga busy siya para sa pagalis niya papuntang America at wala akong dapat ipagalala dahil kasal naman kami pero no hard feelings naman. Tsk...Pinagmamasdan ko ang singsing na bigay niya, engagement ring daw tong puno ng diamonds. Di ko ito sinusuot sa school baka nakawin pa. Kahit nga wedding ring namin dito lang sa bahay ko sinusuot. Minsan naman pagumaalis ako ng bahay, accessories lang ang peg. Hahaha Sabi niya kasi masyadong mapanganib pa ngayon at dapat maingat. Ewan ko ba sa kanya daming pakulo...
Sunday na Sunday pero ang boring dito sa bahay, matawagan nga si My loves.. kukunin kona sana ang cp ko ng biglang sumulpot si Lolo Fons sa unahan ko.
"Lolo Fons naman eh! wag naman po kayong kabute please! Madali kasi akong magulat."Membro siguro ng ninja turtles itong si lolo fons, malay natin nagtraining siya don.
"Sorry hija, may bisita kasi kayo."
"Sino po?" Sino naman kaya ang bibisita sa akin? I mean sa amin? Si tita kaya?
Habang naglalakad kami ni lolo Fons sa hagdanan pababa ay kita kona ang bulto ng isang matangkad na lalaki, nakatalikod kasi siya at naka sumbrero pa yung parang kay Zoro. Kaya malabong si tita ito dahil lalaki ang katawan,
"Grandmaster nandito na po siya."
Lolo Fons"Leave us." GrandMaster
Grabe ang boses niya nakakatakot. Sino kaya ito? Bat parang ngayon ko lang siya nakita, tapos Master ang tawag ni Lolo Fons sa kanya. Oops! Baka ito ang nagturo ng ninja moves kay lolo Fons? dahan dahan siyang Humarap sakin at laglagpanga naman ako kasi parang old version lang ni Vincent.
"You can close your mouth my dear."
"I'm so_sorry p_po."
Pinagpapawisan ata ako at kanda utal, grabe ang aura niya nakakatens ng feeling. Nangangatog ata tuhod ko... No!"I'm Vladimir Montague, grandfather of Vincent. nice to meet you my dear."
Sosyal tong si lolo maypa my dear pang nalalaman di naman ako mukhang usa.
Inabot niya ang kanyang kanang kamay para makipagshake hands sakin kaya tinanggap ko naman. Parang si Vincent lang kung magsalita napakaformal lang ang peg. Pero ano naman ang sasabihin ko?
Hmmmp???
Kagaya ng sinabi niya gagayahin kona lang. Parang introduction lang naman diba?Hina ko sa English eh! Pero try natin, Nakakahiya naman kapag di ko siya sinagot sa English diba?
Hay! Bahala na si Batman."Diannara Gutierrez M_ontague po, Wife of your Grandson."
Hala... magkakanosebleed ako nito eh,huhuhu!
"You look so scared darling, don't be afraid of me."
Nginitian niya ako tapos parang naging anghel ang mukha niya na dating demonyong aura niya kanina.
"Hehe, hindi naman po ako takot. Naninibago lang."
"So? Your my grandson's wife?
And your name is Diannara right?"

BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Ficción GeneralCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...