DIANNE__
Tatlong araw na ang lumipas simula noong bisitahin kami ni Grandpa dito sa mansion at ngayon narin ang alis ni Vincent. Na move nga yung flight niya eh, supposedly noong Sunday sana pero bumisita naman si Grandpa kaya ipinacancel na lang niya ang flight. kala ko next Sunday ulit pero ngayon na pala yun.
Mamimis ko ata siya, yung pagiging daang matuwid niya at mga biro, yung korne niyang banat and ang pagiging Pilay manyak niya nakakamis din kaya yun no...
Kailangan may gawin ako bago siya umalis, dapat ata bumili ako ng regalo.
Pero anong regalo naman kaya?
Hay! Mayaman siya kaya nabibili niya lahat ng gusto niya.
Tinawagan ko si Pauline para sana magpasama sa kanya, pero busy naman daw siya dahil may lakad sila ng mama niya. Kaya no choice ako kundi ang umalis magisa.
"Where you going?"
"Sus mareosep! Vincent naman, muntik na akong atakihin sa puso. Pareho kayo ni lolo Fons parang kabute kung san san sumusulpot."
"Sorry munch, pero san ka ba pupunta? Nakaayos ka kasi."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang pantalon, blouse at doll shoes lang may lakad na agad.
"Pano mo nalaman na may lakad ako aber?"
"Well? First kung di ka aalis naka sleepers ka lang, secondly di mo tinatali ang buhok mo."
Aba? Kilalang kila na ata niya ako. Hmmm? Kahiya naman sa kanya kasi ako di ko pa napapansin yun kung di niya sinabi. Hahaha
"Okay fine, lalabas lang ako dahil may bibilhin."
"Ano naman ang bibilhin mo?"
"Wala ka na don. Bat ba dami mong tanong ha?"
"Gusto ko sanang sumama."
"E di sana diniretso mo na lang sanay ka naman sa daang matuwid nagpatumpiktumpik ka__ano???"
Teka? Siya sasama? Bakit? Tama ba narinig ko?
"Yeah, sinubukan ko naman ang liko liko. Tonight is my flight and I want to be with you all day munch. Can I?"
"Hmmm??? "
Parang paawa effect pa ang face niya. Hay! Pano ako bibili ng regalo kung kasama ko siya?
Maybe makakapuslit din ako, kawawa naman kung di ko isasama dahil last day namin ng magkasama today.
"Siya sige, tayo na."
Tumango lang siya sakin at hinawakan ang kamay ko. Bakit siya ganito? Nakakainis talaga tong pilay na to oh...
At ngayon po, nagiisip pa lang ako kung saan ko siya dadalhin. Alam kong mayaman siya kaya walang di niya kayang bilhin o gawin pero ano sa tingin niyo ang di nagagawa ng mayayaman?
"Manong Leo sa simbahan po tayo."
Bat sa simbahan? Kasi di pa ata nakakapunta doon si Vincent, kasi nga homesickness ang sakit niya. Always sa bahay lang kaya di nakakapagsimba.
"Why here?"
"Aba? Syempre magdadasal tayo. Di ka naman siguro bampira diba?"
"Off course No and yes I know simbahan yan, but para saan?"
"Ano ba naman bunch, para sayo. Ipipray natin kay papa God na sana gumaling ka at maging successful ang operation mo."
"Thanks munch, you really care for me."
"Oo naman. Kala mo ba wala akong puso."
Nagsmile lang siya na labas ang dimple. Langka naman oh! Sana ako na lang meron niyan.
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A SECRET BILLIONAIRE
Fiction GénéraleCOMPLETED✔ ✨book 1✨ #18 in Romance aa of 03-11-2019 #2 in adventure as of 02-17-2019 #19 in General fiction as of 07-22-2017 #17 in General Fiction as of 08-04-2017 #12 in comedy as of 12-16-2018 #15 in fiction as of Jan. 30, 2019 #5 in adventure...
