Chapter 3

10 0 0
                                        

Gulong gulo na ko ng nakatingin sa kisame namin. Bakit nga ba ganito ako? Hindi ako mapakali. Iniistalk ko pa si Nikki pero wala na kong maramdaman. Nagmessage sakin ang kapatid niya pero wala na kong gustong patunayan. Ano ba nangyayari sakin?

Isang araw, nagkita kita kaming magkakabarkada para mag inuman. Alam ko kasing may dinadalang problema si Cyto. Sa mga ganung inuman hindi sumasali si Rus at di na rin naman ako papayag na makitang may kasama siyang lalake o mga lalake. Huh? JM umayos ka! Hindi pwede? Pero ewan.

Nalasing ako ng sobra kaya hindi ko alam kung ano nangyari kagabi. Pagkagising ko nalang nandun pa rin ako mag isa sa lamesang pinag inuman namin.

Sa sobrang hilo ko napabunggo ako sa motor ni Kikel. "Brad ano ba! Kagagawa lang ng babe ko umayos ka." Sabi ni Kikel habang hinihimas at inaakap ang bulok niyang motor. "Bro bakit ako di mo himasin at akapin?" Sabi ko habang nakangiti. "Brad tama na nga! Gawin mo muna ang pustahan bago mo to matikman hahahaha" balak ko batuhin ng bote si Kikel pero biruan lang naman. "Kapal ng mukha mo hahaha" napatawa nalang ako pero anong pustahan?

Pagkagising na ko sa wakas nasa sofa naman na ko nila Kikel. "Braaaaad!" Sigaw ko. "O ano bakit?" Nakatingin sakin na akala mo nasunugan si loko. "Sira ulo. Anong pustahan ba?" Natanong ko na sa kanya agad. "Brad alam mo naman na may problema si Cyto at nag away pa sila ni Rus. Ang pustahan kailangan mong paibigin si Rus at iwan siya. Un lang ganun lang kasimple." Binatukan ko si Kikel. "Ano?! Sira ulo ba kayo nilasing lasing niyo ko tas pagkakasundo niyo ko sa pustahan sira ulo." Hindi ko na alam kung ano magagawa ko pero sinabi ni Kikel na wala na daw atrasan dahil nakaIn na ang mga 1k na pusta.

Sabi sakin ni Kikel na pwedeng mapunta sakin si Nikki kapag ginawa ko un kasi baka magselos si Nikki sa gagawin ko. Ewan ko pero kailangan ko ituloy to baka alisin ako sa tropa.

"Tutal brad okay naman na kayo ni Rus diba? Mukhang nagkakamabutihan na kayo?" Sabi ni Kikel. "Un nga ee nagkakamabutihan na kami. Parang nafafall na rin ako sa kanya." Bigla kong nasabi ang lahat. Kinaliti ako ni Kikel pero inis na inis pa rin ako.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin