Chapter 1

12 0 0
                                        

Sa hindi inaasahang pagkakataon..

JM's:

"Bro may papakilala ako sayo." Sabi ni Cyto na katropa ko.

"O bakit? Ayoko pa ng mga ganyan ganyan bro. Alam mo namang hindi pa ko handa magmahal." Sabi ko.

"Hay nako. Papakilala lang. Siya kasi girl best friend ko." Sabi ni Cyto sakin habang kumindat sakin at nakaakbay.

"Sige brad asan ba?"

Lumapit na kami sa GBF niya.

"GBF si JM nga pala. Bro si Rus" hanggang sa nanginig ako nung nakita ko siya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaiba at inabot niya ang kamay niya sakin. Ngumiti ako at sinubukan kong masalat ang kamay niya pero hanggang daliri lang ang inabot ko.

May gusto akong ibang babae, si Nikki. Isa siya sa lumalaban sa mga beauty pageants at sobrang dyosa siya kahit masunget at snober ang babaeng un ee gustong gusto ko pa rin siya.

Habang nasa bahay ako, biglang nagtext sakin si Cyto. Number lang basta number. Tinext ko siya kung ano ibig sabihin nun pero hinayaan lang niya ang text message ko sa kanya.

Umabot ang ilang araw, nag message ako kay Nikki pero hindi niya pinansin. Sayang naman ang load ko kung hindi ako magtetext kaya minessage ko na rin ang binigay na number sakin ni Cy.

After 5 mins. nakakuha ako ng reply.
"Hello brad hahaha" un ang nireply niya. Nagtaka ako kung bakit ganun? Iniisip ko na isa sa close friend siguro namin ni Cy un.

Tinanong ko kung sino siya pero un din ang reply niya sakin. Weird? Bakit ganun ang reply niya kung di rin pala niya ko kilala.

Tumagal ng tumagal ang usapan, nagkakulitan, nagkaasaran ng hindi namin kilala ang isat isa. At last nagpaalam na siyang matulog at tinanong ko siya kung ano na pangalan niya.

"Rus to." Biglang nagsitaasan ang balahibo ko at sumikip ang dibdib ko. After 10 mins. ko siya nireplyan dahil sa naramdaman ko. Uminom ako ng tubig pero hindi na siya nagreply.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin