Chapter 1

2 0 0
                                        

Antinoty's:

Pssh. Paulit ulit nalang ang napapanood ko sa laptop ko. Pare pareho ang story. Nakakasawa.

Madalas akong mag movie marathon sa ilalim ng kumot ko habang naka earphones para hindi ako magambala ng ate ko. Palagi kasi niya kong inaasar, ang weird ko daw. Minsan napapaiyak pa niya ko ng di niya alam. Hay nako.

OFW ang mama ko sa England. Nagpaplano na rin siyang kunin kami. Masayang masaya ako dahil makakaalis na ko sa Pinas pero ung ate ko gusto pang magstay dito dahil sa mga walang kwenta niyang kaibigan.
Mahilig kasi siyang magpalinlang sa mga tao. Kaya siya palaging naloloko.

Akala ko mananatiling payapa na buhay ko pagkatapos ng nangyari sakin. Hindi pala. Hanggang ngayon babagabag at babagabag ang mga pangyayari sa buhay ko.

Bata pa lang ako nung nangyari ang pagkasira sa pangalan ko. Dahil sa social media kumalat ang lahat, hindi ko mapigilang ipaglaban ang sarili ko dahil sa mga nababasa ko.

Dahil sa mga nangyari sakin, pinatigil ako ni mama sa pag aaral at napagdesisyunan nilang mag home study ako. Tinigilan ko rin ang social media para makalimutan ang lahat ng naranasan ko.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin