Chapter 9

1 0 0
                                    

Rosetta's:

Feeler ko na ata talaga? Akala ko ako ang gusto ni Antinoty pero nagkakamali ako. Gusto pala niya si Mingrid. Habang kinekwento ni Mingrid sakin lahat ng detalye.

"Psst." Naglalakad ako mag isa ng biglang may pumapaswit sakin. Kakaulan pa naman nun. Madilim at matubig ang paligid. Nakakatakot. "Ro" nagulat ako sa biglang sulpot ni Antinoty sa harap ko. "Bakit ka mag isa? Nasan na ung lalakeng kasama mo kahapon?" Napayuko nalang ako. "Si Hyung ba?" Tinanong ko sa kanya. "Nakasabay ko nung maga?" At tumango nalang siya. "Wala un kaibigan ko lang un. Nagkapaliwanagan kami dahil nagkaroon kami ng away." Lumakad na ko pagkatapos ko magsalita. Naramdaman kong aabutin niya braso ko pero nagtuloy tuloy nalang ako.

Antinoty's:

"Rosetta!" Hindi ko na kayang hindi sabihin sa kanya. "Rosetta please lumingon ka." Unti unti siyang huminto at lumingon sakin. "Napakahirap sabihin pero--" nauutal utal na ko hindi ko na alam sasabihin ko. "Hindi ko intensyong halikan si Mingrid. Kailangan ko lang gawin un kasi ano--" palagi nalang akong hindi makapagsalita. Pagkatingin ko kay Ro, umiiyak siya. Nilapitan ko na siya at niyakap kahit tinutulak niya ko.

Pagkabitaw ko sa kanya bigla niya kong hinablot at at at hinalikan niya ko. Wala akong imik. Napapikit ako at nung inalis na ni Ro ang mga labi niya sakin, "Wag ka na dumilat." Akala ko kung ano pa gagawin niya pero pagkatapos ng isang minuto, wala na siya. Lumingon ako kung saan pero hindi ko pa rin siya nakita.

"Mingrid?" Naririnig kong kausap ng ate ko si Mingrid. "Nasabi ko na kay Mingrid na ayaw mo na pumasok. Anton wag ka na mahiya sa kanya okay? Sigurado akong pumayag din si Min--" biglang tumulo ang luha ko at napaiyak sa harapan ng kapatid ko. Kwinento ko sa kanya ang lahat. Wala siyang magawa kundi ang yakapin nalang ako.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin