Chapter 10

8 0 0
                                    

Rus':

Ano tong ginagawa ni yaya Benita? Hay nako.

Isang araw pa lang ang nakakalipas ng makauwi ulit si JM dito. Di ko alam pero bakit parang ang lakas lakas ko na pero hindi naman ako nakakatulong sa pag assist kay JM? At di ako pinapansin ni yaya. Tas palagi pang napapailing si yaya at tanong ng tanong kung okay lang ba si Bubot ko. Hm? Weird.

Dumating ang mga tropa ni JM pero sa tuwing natutulog ako sila dumadumating.

"Baby alam mo ang weird ng mga kaibigan ko." Pagkagising ko un na ang bungad sakin ni Bubot. "Bakit naman?" Sabi ko. "Patay ka na daw hahaha" napatawa rin ako ng malakas pero nagulat ako. Bakit ganun? Bakit?

Habang gabing gabi na, nakita ko ang lalakeng kausap ni yaya benita.

"Mama beni andito na siya." Sabi ng lalake.

"Hala jusko anak ko ano gagawin mo?" Sabi ni yaya. Ano ba ang nangyayari? "Wag kang mag alala ma. Rus? Tama ba?" Sabi ng lalake habang nakatingin sakin. "Umupo ka sa tabi ko Rus."

Sinunod ko siya na punong puno ng pangamba. Umiiyak na ko dahil baka nga patay na ko.

"Rus? Napapansin mo ba kung bakit ang gaan ng pakiramdam mo at di mo masalat ng maayos si JM? At ang aso at si JM at ako lang nakakapansin sayo?" Namumuno ng pangamba ang dibdib ko. Bumibilis na ang tibok ng puso ko. "Rus patay ka na." Sabi niya sakin habang nakatitig at nakatitig sakin. "HINDI! HINDI TOTOO YAN! TIGILAN MO KO! ANO BA TO YAYA! ANO TO!" Napatayo ako at napaluhod pa rin. "Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mawala mahal na mahal ko si JM! Please nagmamakaawa ako sayo kung sino ka man. Bawiin mo ang lahat. Nagmamakaawa ako sayo! Gawin mo ang lahat! Hindi pwede! Marami pa kaming pangarap!" Wala ng nagawa ang lalake. Kahit umiyak ako wala ding nangyayari. "Rus wag ka umiyak. Dugo ang mga patak ng luha mo. Pasensya na."

"Yaya beni? Naririnig ko po si Rus ano ba yang pinag uusapan niyo?" Mapungay na sabi ni JM.

Alam kong naririnig niya ko. Binulong ko sa lalake na sabihin sa mama niya na wag na magsalita.

"Wala un Bubot. Tara tulog na tayo." Binulag ko nalang din ang sarili ko. Inisip ko na buhay pa ko. Inisip ko na masaya ako na kasama siya kahit patay na ko. JM mahal na mahal kita at kahit kailan hinding hindi kita iiwan.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin