JM's:
Rus bakit mo ko iniwan? Bakit mo ko hinayaan? Bakit mo ko sinasaktan ng ganito? Akala ko ba mahal mo ko?
"Brad mga regalo ni Rus sayo." Nakita ko na hawak hawak ni Kikel ang regalong dapat ibibigay sakin ni Rus nung nakita niya kami ni Nikki. Hindi ko alam pero, "Bro buhay pa siya?" Tumulo ulit ang luha ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Iniisip ko na nag aaral lang si Rus sa bahay nila nung nakita ko ang bawat regalo.
Naalala ko rin ang mga mahalagang sinasabi sakin ni Rus lalo na ang bago kami maaksidente. Hindi ko alam na totoo pala ang mga pagpapaalam.
Pumunta ako sa puntod niya. "Baby, thank you sa effort mo." Hindi ako makaimik hindi ako makagalaw. "Pero hindi ko kayang mabuhay kung mawawala ka lang din sa tabi ko. Kung mabubulag ba ko ulit makakasama ba kita?" Iniisip ko na baka un lang ang kapalit para makasama ko siya dito.
Kinuha ko ang blade galing sa bag ko.
Pilit kong tusukin ang mga mata ko pero napapapikit ako. Nagdadalawang isip ako at natataranta sa gagawin ko.
"Oy psst." Rus? Rus ikaw ba yan? "Oo naman sa tingin mo iiwan kita?" Napangiti ako habang umiiyak. Gustong gusto ko na siya makita ulit. "Bubot, itigil mo na yan." Huh? Ano? "Gusto ko sumaya ka ng wala ako. Gusto ko mabuhay ka pa. Gusto ko maging malaya ka na sakin. Sorry kung iniwan kita. Wag kang mag alala andito ko." Hindi ko alam gagawin ko. Napaluhod ako. "Rus gusto kitang pakasalan. Rus ikaw lang mahal ko." Napaiyak na ko ng tuluyan. Naramdaman kong may umakap sakin. "JM gusto ko pang mabuhay ka. Gusto ko matuloy ang mga pangarap mo ng wala ako. Sasaya ka rin magtiwala ka sakin." Nanghina ako sa mga sinabi niya. Pumatak ang ulan sabay ng pagpatak ng luha ko. "Rus? Wag mo ko iiwan." Tuloy tuloy ang pagsalita ko pero hindi ko na naririnig ang boses niya. Nag iisip ako na kung ano ang makakabuti para saming dalawa. Para sakin. Para sa pagmamahal na to.

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
RomancePano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...