Chapter 3

1 0 0
                                    

Antinoty's:

Ang ganda ganda niya. Hindi siya mawala sa isip ko para siyang dyosa na napapanood ka sa mga movies.

"Oy Anton!" Sigaw ng ate ko hay nako ang aga naman. "Yieee binata ka na ba? Masyado ka makangiti ah?" Hayst napatingin nalang ako sa soup. "Balita ko lumabas ka daw ng bahay nung wala ako ah?" Napatigil tuloy ako sa pagkain ko. "Sino nanaman nagsabi sayo? Si Mingrid ba?" Napangiti bigla ung ate ko. Alam ko nanaman ibig sabihin niya. May gusto sakin si Mingrid dahil childhood friend ko siya. Kapit bahay kasi namin siya kaya nagkasundo kami kaso nahiya din ako sa kanya. Inaamin kong nagkagusto ako sa kanya pero hindi siya gusto ng puso ko.

"Sama ka sakin sa school gusto mo?" Ang kulit ng ate ko lagi nalang ako inaaya sa walang kwentang eskwelahan nila. "Ano ba Anton?" Napakaingay niya gusto niya talaga akong isama halos araw araw niya nalang akong iniinis.

Habang nanonood ako ng movie, naisip ko nanaman ang mysterious girl na gumambala sakin nung isang gabi. Umabot ang ending ng movie na hindi ko siya naiintindihan. Hayst uulitin ko tuloy to. Baka nga isang panaginip lang ung nakita ko baka nga dyosa siya na nagpakita lang sakin.

•••

Rosetta's:

Palagi nalang ako nandito sa bahay mag isa. Tinatawagan ko mga kaibigan ko kaso ayaw naman magsisagot. Parang tuloy hindi ako mahalaga sa kanila. Gustong gusto kong tawagan si Hyung pero halata namang naghahabol ulit ako sa kanya. Pigilan mo sarili mo Rosetta pigilan mo.

Pumasok ako sa school ng gusot gusot damit ko. Ayoko na kasing magplantsa dahil baka makasunog nanaman ako at kung mag papaplantsa nanaman ako dagdag gastos wala na kong pangkain. "Ms. Rosetta bakit ba palaging ganyan ang uniform mo? Para kang hindi nag aaral sa private school." Ano naman sa pake ng teacher namin na to? Kunwari concern pero ang totoo gusto lang ako pahiyain sa buong klase.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin