Chapter 2

7 0 0
                                    


Isang gabi sa café nakita ko si Rus. Tumalikod ako parang hindi ako makagalaw. Hindi ako makaharap. Hanggang sa may lumapit sakin at umakbay.

"Hello! Rus remember? Sorry ah naubusan ako ng load. Nagpaload lang naman ako para makausap ka ee" napatingin nalang ako sa kanya at ngumiti.

"Alam mo bang dapat lalake ang umaakbay sa babae?" Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at umakbay sa kanya.

Kinuha ko ang kape na inorder niya at bumili ulit ng panibago.

Nakatingin lang siya sa baba habang nasa counter kami.

"Bakit?" Sabi ko sa kanya. "Wala hindi lang ako sanay na may umaakbay na lalake sakin." Binaba ko ang kamay ko sa bewang niya. "Ayan sanay ka na?" Tumingala siya at nagsmirk. "Mr. David di porket may apil ka ee pwede mo ng gawin yan okay?" Napatawa niya ko. "Ms. Padilla alam mo namang may gusto ako sayo diba? Hindi mo ba pansin mga kinikilos ko?" Napatingin nalang tuloy samin ang nasa cashier habang nakangiti. "Mr and Mrs. David heres your coffee please enjoy."

Umupo nalang kami habang nakasiko sakin si Rus.

"Baby tikman mo tong cappuccino." Sabi ko sa kanya habang kumindat. "Yuck! Ano yan? Indirect kiss? Eww. Isipin mo ah ung laway mo tas laway ko tas iinom labi ko? Katol ka ba?" Napatawa nanaman ako ng babaeng to.

Hanggang sa nagkakwentuhan kami tungkol sa mga pamilya namin. Hindi namin namamalayan na 10:30pm na pala.

Beautiful in White by Westlife

Nagpatugtog sa café ang napakasweet na kanta.

Hindi ko alam pero nakikita ko na nag aantay ako sa altar sa pagpunta ni Rus. Hanggang sa hinawakan niya ang kamay ko.

"Oy! Chinachansingan mo na ko ah." Sabi ko habang hawak hawak ang isa kong kamay. "Tange. 11:11 na o wish tayo dali" nakita kong pumikit ang mga mata niya habang ako rin. Pero imbis na magwish ako nakatingin lang ako sa kanya.

Napansin kong maganda pala ang mga labi niya at parang gusto kong halikan. Pero hindi muna. Bawal. Pero di kaya minahal ko na siya?

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin