Halos lahat ng teacher namin sa school na to parang may galit sakin. Lagi nilang jinajudge ang pananamit at pagkatao ko. Bakit naging batayan nila ang damit ko? Sila kaya magplantsa.
Wala akong magawa sa classroom kaya dinodrawing ko nalang mukha ni Hyung. Wala na kong pakielam kung makita ng iba na gusto ko siya. At kahit na may GF na si Hyung, umaasa ko pa ring pwedeng maging kami.
•••
Antinoty's:
"Antooooooooooooon!" Napahulog na ko sa kama ko sa sobrang lakas ng sigaw ng ate ko. "Ate manahimik ka nga natutulog ako ee." Tinakpan ko nalang ulit ng unan ung ulo ko. "Anton masakit na ung binti ko bilisan mo nga!" Napakabara bara kasi ng ate ko ee.
Nakita kong nakadapa ate ko sa tapat ng lababo. Halatang kagigising nanaman niya at napadulas siya sa patak ng ulan. May butas kasi bubong namin ee. "Ate ano ba sabi ko sayo? Nakakainis ka naman." Binuhat ko nalang tuloy siya at binigyan ko nalang siya ng panyo. "Bunso mamamatay na ata ako hindi ko maramdaman binti kooooooo." Hagulgul ng hagulgul ate ko halos di ko na maintindihan ung iba niyang sinasabi.
Dinala namin sa hospital si ate at un nga kailangan niya munang magpagaling at may injury siya sa binti.
"Bunso, pwede mo ba dalin sa school ung paper works ko?" Sabi niya habang mugto pa rin ang mata. "Ate alam mo naman isyu ko--" umiyak nanaman siya hay nako. "Sige wag na. Tawagan mo nalang si Mingrid sa kanya mo paku--" urgh iniinis nanaman niya ko. "Ate pwede ba?" Lalabas na sana ako pero nung pagkatingin ko sa ate ko ay namimilipit nanaman siya sa sakit. "Doc! Nurse!" Hind na ko mapakali. "Mingrid! Mingrid! Mingrid!" Tumingin ako kay ate ng masama dahil alam ko intensyon niya. "Oo na sige na pero isang araw lang ha? Isa lang." para nanamang unicorn ung mata ng ate ko na nakakita ng candy. Patay tayo dito.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
Storie d'amorePano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...
