"Mahal mo ate mo kaya mo gagawin to" paulit ulit kong sinasabi sa utak ko habang hinahantay ung pinapainit kong pagkain. Nakadamit na ko nakahanda na ko lakas ng loob nalang kulang.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa pintuan ay nakita ko agad si Mingrid. Bigla tuloy akong napadapa sa putikan. Geez magpapalit nanaman tuloy ako ng jacket.
Part 2 ng pagkalabas ko naman na sa gate namin nakita ko ulit si Ms. dyosa. Hindi ko nga lang suot ang magkatulad naming jacket dahil naputikan na pero sana matandaan niya ko. Nanghihina pa rin ang tuhod ko hanggang sa napalingon siya sakin. Nakakahiya na hindi ko malaman ang gagawin ko sa hiya. Gusto kong bumalik ng bahay pero nakita kong papalapit na siya. Naalala ko sa movie na napanood ko na dapat manatili nalang ako sa kinatatayuan ko.
Hala dadaan na siya dadaan na siya ayan na siya. Hindi ko na maiwasang hindi yumuko nahihiya na ko. Ang masama, nilagpasan niya lang ako. Sh*t akala ko lalapitan niya na ko tss ano ba yan. Pero napansin ko na parehas sila ng uniform ng ate ko. "Miss miss?" Hindi siya lumilingon kaya sinundan ko nalang siya.
•••
Rosetta's:
Napansin kong may nakatingin saking lalake. Siguro dahil sa lukot lukot nanaman uniform ko. Nakakainis pa dun kailangan kong tumawid para makaabot ng school.
Dinaanan ko nalang siya pero feeling ko sinusundan niya ko. Hala? Di kaya eto ung sinasabi nilang drug pusher na makikita kung saan saan? O kaya tagaman man sa mga babae para dukutin ate rape-in? Humanda sakin to. Oras na hawakan niya ko iiyak ang mga kriminal.
•••
Antinoty's:
Bumibilis ang lakad niya ah? Bakit kaya?
Malapit na kami sa school hanggang sa, "Aray! P*ksh*t!" Sarili ko nanamang k*t*ng*h*n. Hindi ko kayang hawakan ang kamay niya nahihiya na ko. "Oy abutin mo nga kamay ko wag mo ko pahiyain sa harap ng school." Maraming nakakita at halatang nagagalit na si Ms. dyosa sakin. "Pasensya na di ko sinasadya." Habang hinawakan ko ang kamay niya ay unting unting nanlalamig ang buong katawan ko. Hindi ko akalaing magiging ganun siya kabait sakin.
"Sa susunod kasi titingin ka sa sahig alam mo namang rocky road dito ee."

ŞİMDİ OKUDUĞUN
Love Game Love
RomancePano nga ba kung ihahantulad mo sa larong to ang larangan ng pag ibig. Laro sa pag ibig? Mauuwi sa lokohan? Pustahan? Duyaan? O seryosohan? Papatalo ka ba sa laro na pag ibig? Kaya mo bang ipusta ang lahat kahit alam mong ikaw din ang matatalo? Tit...