Chapter 2

2 0 0
                                    

Lumabas ako panandalian ng bahay para magpahangin. Nagkaroon kasi ng tour si ate ng five days. Sobrang nakakabagot kasi sa loob ng bahay. Isang beses sa isang linggo lang ako nakakalabas ng bahay dahil sa allergic ako sa mga tao.

Nagulat nalang ako ng biglang may tumabi saking tao. Nakayuko lang kasi ako habang nakatingin sa damong naaapakan ko.

"Alam mo minsan kailangan natin ng space." Bigla akong napatingin sa kanya. Halos parehas na parehas kami ng jacket. Ngayon lang ulit ako nakakita ng ibang tao at napansin kong maganda siya. "Pero bakit nagdesisyon ka lang agad na iwa--" Bigla siyang tumingin sakin at nagulat din siya. Nakita ko ang mga patak na luha sa pisngi niya. Gusto ko sanang punasan ang mukha niya pero nagulat nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Sorry akala ko kasi ee--" napangiti nalang ako at kumaway sa kanya. Un ang muling pagdinig ko sa boses ng babae.

•••

Rosetta's:

Napahiya nanaman ako sa pangalawang pagkakataon. Hindi ko akalain na ganun nanaman ang dahilan ng pagkadagdag ng hiya ko sa sarili. Pero thank you pa rin dahil mabuting lalake ang napagkamalan kong siya.

Kailan ba kita makakalimutan? Bakit mo ba kasi ako iniwan ng ganun ganun lang? Ngayon hirap na hirap ako isipin ang pangyayari kung bakit nangyari satin to. Sasabihin mo lang i cant? Hindi mo kaya? Hindi mo na kinaya? Kung kailan kailangan kita?

Umasa kasi ako agad na pwedeng maging tayo.

Siguro nga kaya iniwan mo ko dahil oo panget ang tingin mo sakin. Kaya hanggang kaibigan mo lang ako kaya hanggang dito sa puntong sinasaktan mo na ko ng di mo alam.

Pagkakamali ko pa rin to ee hanggang huli. Bakit ba kasi ako umasa? Nagbigay motibo lang siya pero hindi niya sinabing gusto niya rin ako. Hayst ang shunga shunga naman.

Kahit kailan hindi na ko babalik dun para makalimutan ko na rin ang lahat. Hay nako.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin