Chapter 13

10 0 0
                                    

JM's:

Huuu! eto na makikita ko na siya! "Baby?" Nanginginig nalang si yaya sa tuwing tinitignan ko siya. Nakita ko rin umiiyak si Heaven at lumapit sakin. Nakita ko ang anak ni yaya Benita.

"Ano ginawa mo sa GF ko?!" Hinawakan ko sa collar ang lalake. Punong puno ako ng galit. "Iho wag!" Sabi ni yaya Benita. "Wag tol wag. Matagal na siyang patay."

T*NG *N*!

Napayuko ako. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magwala. "T*NG *N*!" BAWIIN MO! SIRA ULO KA! BAWIIN MO SINABI MO! HINDI! HINDI NIYA PWEDE GAWIN SAKIN TO! RUS BAKIT MO KO INIWAN?!" Pinigilan nila ko pero hindi ko kaya.

Pinakalma nila ko pero ang luha ko ang ayaw magpaawat. Kwinento sakin ng anak ni yaya ang lahat.

Baby! Hindi! Hindi pwede! Hindi mo magagawa saking iwan mo ko ng ganito ako. Baby please bumalik ka na. Miss na miss na kita. Kung alam ko lang na magiging ganito ang lahat gumawa na sana ako ng paraan para hindi na matuloy to. Baby please come back to me.

Marami na kong dinanas sa mga nangyari samin. Mahal na mahal ko siya. Alam niya un at alam kong mahal niya rin ako. Hindi niya rin ako kayang ipagpalit. Kayang kaya kong gumawa ng paraan para makasama siya.

Kikel's:

Papunta na kami sa condo ni JM dahil nalaman namin sa doctor niya na maayos na ang kalagayan niya.

"Brad?" Nangpagkabukas namin ng pinto ay gulong gulo ang condo ni JM. Umiiyak si yaya Benita na akap akap si JM. Napatingin sakin si JM at umiling. "Wala na nga siya bro."

Parang nababaliw na si JM dahil kung ano ano na ang mga kinikilos niya. Sinabihan ko si yaya Benita na huwag iiwan si JM mag isa.

Dinala namin si JM sa puntod ni Rus. Hindi namin mapigilan ang bawat patak ng luha ni JM. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang hukayin ang puntod parang sira ulo lang.

Araw araw ko ng binibisita ang kaibigan ko. Lagi lang siyang nasa kwarto.

Dumating si Ara at si Jo sa condo ni JM. May dala dala silang mga regalo na inipon ni Rus sa tuwing dumadaan ang anniversary nila. "Balak sana ibigay yan ni Rus kay JM kapag 10th anniversary na nila. Kaso di umabot ang kaibigan namin." Sabi ni Jo.

Love Game LoveHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin